DFA: Walang Pinoy Na Nasaktan Kay Sandy

NANANATILING NASA ligtas na kalagayan umano ang mga Pilipino sa East Coast ng Estados Unidos sa kabila ng pananalasa ng super typhoon Sandy.

Ayon kay DFA Spokesman Raul Hernandez, nasa loob ng kani-kanilang mga tahanan ang mga Pinoy sa US at tumatalima sa babala ng embahada.

Sinabi ni Hernandez na wala pa silang natanggap na ulat na may nasaktang Pinoy sa malakas na bagyo.

Sa pagtaya ng DFA, mahigit 460,000 ang Pilipinong nakatira ngayon sa East Coast. Mayroon nang precautionary measures at travel advisories ang Filipino authorities para sa kababayan sa East Coast ng Amerika, ani Hernandez.

Pinapayuhan, aniya, ang mga kababayan na iwasan muna ang pagbibiyahe lalo na sa mga estado na sinasabing sentrong tatamaan ng bagyo.

Una rito, tiniyak din ng Philippine Consulate sa Estados Unidos sa pamamagitan ni Consul General Mario De Leon, na sa tulong ng social media ay nagkakaroon ng ugnayan o komunikasyon ang mga Pinoy community tungkol sa hurricane.

Nagtayo rin ng 24-hour help desk ang embahada at konsulada ng bansa sa New York.

Ilan sa pagkakaiba, aniya, sa paghahanda ng gob-

yerno sa Amerika sa Pilipinas, ay halos nagbabahay-bahay ang pulisya kaugnay sa mga dapat gawin sa panahon ng kalamidad.

Samantala, ang mga lugar na maraming konsentrasyon umano ng mga Pinoy sa East Coast ay sa New Jersey, New York, Maryland at iba pa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.