DFA, PANSININ N’YO NAMAN KAMI!

ISA PO ANG asawa ko sa nakakulong sa Malaz central jail sa Riyadh. Matagal n’ya na pong natapos ang dalawang taong sentensya sa kanya pero hanggang ngayo’y nakakulong pa rin siya. Sa isang buwan ay aabot na sa isang taon ang sobrang pagkabilanggo kaysa sentensya n’ya. Wala po bang magagawa ang gob-yerno natin para sa aking asawa?

Sheila ng Cagayan de Oro.

NANG TANUNGIN NAMIN ang DFA tungkol Sa bagay na ito, kinumpirma nila na totoong may mga ganyang kaso sa Malaz jail sa Riyadh. Ayon naman sa Migrante International, umaabot sa 48 ang mga OFW na nananatiling nakakulong sa Malaz jail kahit matagal nang napagdusahan nila ang kanilang sentensya.

Hindi lang iyan. May mga ulat na patuloy pa silang tumitikim ng pananakit at iba pang pang-aabuso sa kamay ng mga bantay at warden nila roon.

Iyan ang matagal na nating sinasabi sa kolum na ito. Umaakto lang ang pamahalaan kapag laging kinakalampag at napapalathala sa media ang mga kaso, lalo na ang mga sensational na kaso. Ang mga halimbawa nito’y ang kaso ng tatlong Pinoy na bibitayin sa China o ang mga OFW na refugee sa Libya at iba pang magugulong bansa. Samantala, halos ‘di napapansin ang daan-daang kababayan na-ting nakakulong sa iba’t ibang bansa, at ang ilan sa kanila ay walang kasalanan. At marami sa kanila ang walang umaasikaso o tumutulong. Sila ay tahimik na nagdurusa at naghihintay na lang ng iskedyul ng kanilang bitay. At kapag papunta na sila sa bitayan, doon lang sila mapapa-media at saka mapapansin ng pamahalaan.

Kaya kayong mga OFW na nasa Malaz jail, malas talaga kayo. Tulad ng marami pa nating kababayan sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

LIBRENG PAYO! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO!

Maaari n’yo ring i-text ang inyong mga katanungan na may kinalaman sa OFW o iba pang usaping legal sa:

PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users)

O kaya’y mag-e-mail sa omecandazo@yahoo.com

Ayuda sa OFW
By Ome Candazo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.