DFA: Diplomatic Protest Kontra Tsina, Malabong Maihabol

ISASAMA NA rin bilang supporting data ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang nakalap na impormasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa aktibidad ng Tsina sa Bajo de Masinloc bilang batayan ng bagong reklamo ng Pilipinas, bukod pa sa nakabinbing mga isyu sa arbitration sa United Nations (UN).

Pero dahil sa pangangalap ng dagdag na impormasyon, malabo umanong maihabol ang filing ng bagong diplomatic protest ngayong linggo.

Sinabi ni DFA Sec. Albert del Rosario na kinakaila-ngan pa ng berepikasyon ng anumang data kaya hindi nila maaaring madaliin ang paghahain ng protesta.

Una rito, ini-report ng AFP na umaabot na sa 75 ang bilang ng concrete blocks na namataan sa West Philippine Sea na iniwan ng mga tauhan ng Tsina.

Si Del Rosario ang nagpresenta ng P12.143 bil-yong budget ng DFA para sa 2014 sa House appropriations committee.

Kung saan mas mataas ito ng mahigit P1 bilyon mula sa kasalukuyang P11.6 bilyon.

Samantala, agad ding umalis ang opisyal matapos ang kanyang presentasyon dahil may urgent meeting umano ito sa Palasyo.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.