DFA at DND, Pinagpapaliwanag ng Senado sa US Negotiations

PINANGPAPALIWANAG NG Senado ang Department of Foriegn Affairs (DFA) at Department of National Defense (DFA) hinggil sa nilulutong framework agreement na naglalayong dagdagan ang tropa ng Estados Unidos sa bansa.

Sinabi ni Senate foreign relations committee Vice Chairman Bongbong Marcos na kailangan ng Senado na himayin ang nilulutong kasunduan para sa “increase rotational presence” ng US troops sa Pilipinas dahil baka nangangahulugan ito ng base militar at ikinukubli lamang sa ibang pangalan.

Dahil dito personal na susulat si Marcos sa Department of National Defense at Department of Foreign Affairs upang humingi ng kaliwanagan kina Defense Sec. Voltaire Gazmin at DFA Sec. Albert Del Rosario.

Tulad ni Marcos, binigyang-diin ni Senate President Franklin Drilon na kung ang kasunduang niluluto ng DND at DFA sa US ay ang pagkakaroon ng base militar ay nangangailangan ito ng treaty na kailangan pagtibayin ng Kongreso.

Nagkakaroon ng tropa ng Estados Unidos sa bansa ngunit ito ay saklaw ng Visiting Forces Agreement (VFA) sa layon ng palitan ng pagsasanay at hindi para magkaroon ng base militar.

Samantala, nanga-ngamba naman ni Sen. Antonio Trillanes na ang ginagawa ng DFA at DND na magkaroon ng dagdag na tropa ng US sa bansa ay maaaring magkaroon ng maling impresyon sa bansang Tsina sa harap ng umiiral na isyu sa West Philippine Sea.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.