DFA: Assad, ‘Di Humiling ng Asylum sa ‘Pinas

MARIING PINABULAA-NAN ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang lumabas na report na umano’y humihingi ng political asylum at financial assistance sa Pilipinas si Syrian President Bashar Assad.

Sa isang pahayag, sinabi ni DFA spokesperson Raul Hernandez na nagkaroon ng pulong ang Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III at iba pang DFA officials sa adviser ni Assad na si Bouthaina Shaaban para pag-usapan ang “possible political solutions” sa mahigit dalawang taon nang kaguluhan sa bansang Syria.

Kinumpirma rin ni Asec. Hernandez na may ipinaabot na “personal letter” si Assad sa Pangulo.

Sa nasabing pulong, nagpasalamat naman aniya ang Pangulong Aquino sa tulong na ibinigay ng Syrian government para matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga overseas Filipino workers.

Kahapon ng umaga, karagdagang 78 mga OFWs ang dumating sa bansa matapos na lumikas sa Syria.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.