DF at BH, Nagsanib-Puwersa; ‘Computer on Wheels’, Aarangkada na

UPANG MAKASABAY sa bilis ng takbo ng teknolohiya ang mga Bulakenyo, naglunsad ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ng Tanggapan ng Pangalawang Punong Lalawigan Daniel Fernando ng Computer on Wheels Project.

Sinabi ni Vice Governor Fernando sa Pinoy Parazzina gusto niyang makapaghatid ng libreng pag-aaral ng basic computer courses sa buong lalawigan. Dito’y wala pipiliin, lahat ng gustong matuto basta kayang i-accommodate pwuede, walang rin na age limit.

Dahil dito lumagda sa isang kasunduan sa pagitan ng Damayang Filipino Movement Inc. at ng Bagong Henerasyon party-list na dinaluhan ni former Cong. Bernadette Herrera-Dy na magkatuwang sa pagtataguyod ng nasabing proyekto.

Aniya, limang bus ang nakalaan para sa proyektong ito kung saan ang isa ay mananatili para sa lungsod ng San Jose del Monte at ang iba pang apat na bus ang siyang lilibot sa bawat bayan upang magbigay ng libreng computer education. Labing-anim na computer ang lulan ng isang bus.

Kung saan target ng naturang programa na makakuha ng  500 mag-aaral sa bawat unit ng computer on wheels,habang dalawang trainor naman ang handang magbigay ng oras upang magturo sa mga nais matuto ng Basic Computer.

Nabatid na, “tatagal ang training ng isang buwan, kaya pagkatapos no’n magkakaroon din sila ng graduation. Kasi nasa computer age na tayo, nakita natin na ang pag-aaral ng computer ay hindi na lang optional, unti-unti ito na talaga ang ginagamit sa bansa.”

Sinabi ni Gob. Wilhelmino M. Sy-Alvarado na malaki ang maitutulong ng proyektong ito upang higit na maiangat ang antas ng kaalaman ng mga Bulakenyo pagdating sa computer skills na makatutulong sa kanila upang makahanap ng maganda at dekalidad na trabaho.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.