Devon Seron, feel pa ring makatrabaho si James Reid

Devon-Seron-James-ReidHINDI PA naman daw nakatatanggap ng pamba-bash mula sa mga tagahanga nina Nadine Lustre at James Reid ang ex-PBB Teen housemate na si Devon Seron nang magpahayag ito na gusto niyang makasama at makatrabahong muli ang kanyang orihinal na ka-loveteam na si James Reid.

Kuwento nga ni Devon, “Hindi pa naman ako naba-bash. Siguro nu’ng sinabi ko na gusto ko ulit makatrabaho si James Reid, siguro naintindihan nila ako, since ako naman ‘yung unang naka pareha niya.
“And wala naman akong intensyon na agawin siya kay Nadine (Lustre), dahil alam ko naman na nag-click na ‘yung love team nila. Siguro naman na kasama ako sa soap nila, du’n makakatrabaho ko ulit si James.
“Gusto ko siya makatrabaho kasi siya ‘yung una kong naging ka-loveteam. Tapos okey naman ‘yung trabaho namin at naging magkaibigan naman kami. Kaya nga gusto ko ulit siyang makatrabaho lalo na’t nasa ABS-CBN na siya ulit. Tsaka close din naman kami before at nami-miss ko na rin siya, kasi matagal din kaming hindi nagkasama at nagkita.

“Pero if darating ‘yung time na may mamba-bash sa akin, siguro hindi ko naman lang papansinin, deadma na lang. ‘Pag pinansin at pinatulan mo kasi, mas lalo lang lumalaki at lumalala, mas magandang maging quiet na lang
“Pero sana hindi sila magalit kasi tungkol lang naman ‘yun sa work,” ani Devon.

 

Ms-Teen-Earth-and-Little-Ms-Earth-2015Year 2 ng Miss Teen Earth at Little Miss Earth, mas pinabongga


GRANDIYOSO ANG
pagpapakilala sa 20 kalahok ng Miss Teen Earth at 20 kalahok ng Little Miss Earth na ginanap last April 9 sa the Grand Ballroom of ACE HOTEL & SUITES, United cor. Brixton Sts., Kapitolyo, Pasig City.
Kung saan karamihan ng kandidata ay matatalino at magaganda na halatang piling-pili ang mga ito. Ang magwawaging Miss Teen Earth at Little Miss Earth ay mag-uuwi ng P1 million worth of cash and prizes, a management contract to Captured Dream Entertainment Productions.
Ang Coronation Night ng Miss Teen Earth at Little Miss Earth ay mapapanood muli sa GMA 7 at ito’y hatid ng Captured Dream Entertainment Productions.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

One thought on “Devon Seron, feel pa ring makatrabaho si James Reid

  1. well she has a point! in the 1st place sila naman ni james yung unang mag ka loveteam, dont worry di naman lahat ng jadine fans eh mam-bash, pero syempre established na ang jadine so dun pa din kami! hehehehe!

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.