Devirginized at 16: Matt Evans has love child?

NANINIBAGO ANG MARAMI sa mga kaibigan ni Dra. Vicki Belo pagkatapos niyang laitin ang host na si Boy Abunda on TV. Hindi nila maintindihan kung sign of insecurity lamang ang pagtira niya sa kalabang beauty clinic ni Dra. Manny Calayan o sadyang yumabang na raw talaga si Vicki.

Bulung-bulungan kasi ngayon sa showbiz ang humihigpit na labanan ng beauty clinics. According to a source, nagalit daw si Vicki nu’ng malaman niya na tinanggap ni Ruffa Gutierrez ang endorsement mula sa Philosophy by Mikaela para sa hair and make-up services nila. May mga non-invasive slimming and whitening services din kasi ang Mikaela na meron din ang Belo. At si Ruffa ay major endorser ng Belo.

Nakarating din sa amin ang balita kung paanong nag-inarte pa raw si Vicki sa interbyu sa kanya ni Kris Aquino para sa Showbiz News Ngayon. Pinaghintay raw nang matagal ni Vicki si Kris bago hinarap sa bahay niya para sa intebryu. In fairness naman daw kay Kris, very patient naman daw na naghintay ang TV host/actress kay Vicki.

Pero ang nakakaloka, napilitan lang daw si Vicki na magpa-interbyu kay Kris. May dialogue daw ang beauty surgeon na ayaw na raw niyang makipagbati at magpa-intebryu kay Kris. Knows daw kasi ni Vicki na aawayin lang daw ulit siya ni Kris. Kaya duda ng aming source, ito marahil ang dahilan kaya ang tagal-tagal harapin ni Vicki at pinaghintay si Kris para sa exclusive interview niya sa SNN.

Ganu’n?

NAGULAT SI MATT Evans nu’ng kunin ang reaksyon niya sa balitang nakabuntis siya ng babae sa press launch ng bago nilang show ni Melissa Ricks sa ABS-CBN, ang Your Song Presents Underage na magsisimula na ngayong Linggo pagkatapos ng ASAP ‘09. Kasama rin dito sina Empress Schuck, Lauren Young, AJ Perez, Valeen Montenegro at Rafael Rosell sa direksyon ni Manny Palo.

Mismong ang dating agent daw ni Matt ang nagsasabi na meron nga raw siyang nabuntis at apat na buwan na ang baby sa sinapupunan nu’ng babae. High school pa lang daw ay girlfriend na ni Matt ‘yung babaeng nabuntis niya diumano.

“Oh, men! Seryoso, wala ako’ng alam na ganyan. Kasi sa akin naman kung may mga ganyang isyu, hindi ko tatalikuran. Kung ako man ‘yung pini-point nila na tatay, e, siguro sige haharapin ko. Haharapin ko ‘yan. Pero i-sureball natin na, oo. Kung manganak, manganak sige,” reaksiyon ni Matt.

Meaning hindi raw siya sure kung na-sureball niya ‘yung babae na sinasabing nabuntis ni Matt.

“Hindi, ako wala naman akong… Ako alam ko kung may babee akong… may pananagutan ako sa isang tao. ‘Tsaka pananagutan ko. Maayos naman akong pinalaki ng mga magulang ko.”

Willing din si Matt na magpa-DNA sila nu’ng baby kapag isinilang just to make sure kung kanya talaga ‘yung bata. At ‘pag na-confirm na siya ang ama, hindi raw niya tatalikuran ang bata.

Wala ring matandaan si Matt na may naka-one night stand siya these past few months. Good boy raw siya. Feeling ni Matt may mga naninira lang sa kanya.

“Siguro,” sang-ayon ni Matt. “Alam naman nating kapag mga ganyan, hindi ko naman sinasabi na dapat akong kainggitan. Pero siguro may mga taong hindi ka gusto. Hindi mo naman mapi-please lahat ng tao. Pero hindi rin maiaalis na may mga taong naiinggit din.”

Hindi natatakot si Matt kapag lumaki pa ang isyu tungkol sa babaeng nabuntisan niya. Para sa kanya kasi, hindi naman totoo. Kung totoo raw ‘yun, posible na mabawasan ang popularidad niya. Pero confident siya na hindi totoo ang balita. At kung malaking isyu raw talaga, thankful siya na mas lalo siyang pag-uusapan.

“Tsaka kung totoo man ‘yung mga ganyang buntis-buntis e, kung ginawa ko naman talaga, bakit ko tatalikuran? Pangangatawanan ko kung totoo,” dagdag pa ni Matt.

Tiwala si Matt na wala siyang nabuntis dahil nagpa-practice raw siya ng safe sex.

“Oo naman. Kailangan naman. ‘Tsaka nanay ko rin naman ang nagsasabi. Kaya talagang alam ko na wala akong nabuntis . Wala, walang ganu’n.”

Hindi naman nagpaka-ipokrito si Matt at inamin niya na hindi na siya virgin. Thirteen pa lang daw noon when he lost it. ‘Yun na.

Julie Ka!
by Julie Bonifacio

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.