Developer sa Canlubang, Todas sa Loob ng Bahay

WALANG AWANG BINARIL hanggang sa mapatay ang isang contractor sa loob ng kanyang sariling bahay sa Cabuyao, Laguna noong nakaraang Biyernes, bandang alas-6:30 ng umaga.

Nakilala ang biktimang si Serapio B. Lucero, 65-anyos, isang kilalang developer ng pabahay sa Laguna, at nakatira sa Maria Cristina St., Tierra del Sol Subd., Brgy. Banay-banay, Cabuyao, Laguna. Idineklarang dead on arrival si Lucero nang ito ay dalhin ng kanyang hardinero sa Ospital ng Cabuyao. Ipinagtaka ng mga kaanak ng pinaslang kung bakit tanging ang hardinero lamang ang nagsugod sa ospital at hindi man lamang sumama ang kanyang kalaguyo na nandoon sa bahay nang maganap ang krimen.

Sa paunang imbestigasyon ni PO1 Reynaldo Dizon, ‘di inakalang may magaganap na patayan sa tahanan ni Lucero dahil maluwag pang nakapasok ang suspek na si Edgardo Aliparo, kapatid ng kinakasama ng biktima na si Jocelyin Aliparo Garcia.

Ayon sa saksing sina Roderick Cambi, hardinero at Norma Balantinsayo na kasambahay ng asawa ng biktima, pumasok ang suspek na si Edgardo Aliparo na may bitbit na mga gulay. Nakarinig sila ng pagtatalo na sinundan ng isang putok hanggang sa nakita na lamang nila ang biktima na nakahandusay sa sahig at duguan.

Ayon sa mga nakapanayam na kamag-anak at kaibigan ng biktima, si Edgardo ay nanilbihan bilang driver ni Lucero ng walong buwan matapos itong makalaya sa pagkakabilanggo. Bilang kapatid ng kanyang kinakasama, binigyan niya ng ikalawang pagkakataon ito upang makapagbagong-buhay hanggang sa ninakawan siya ng P1.4 milyon at hindi na nagpakita.

Hindi na nagawang ihabla ni Lucero ang kanyang bayaw na hilaw dahil na rin sa pakiusap ng kanyang kinakasama.  Subalit nitong mga nakalilipas na linggo, kung saan si Lucero at ang kanyang kalaguyong si Jocelyn ay nagiging madalas ang pag-aaway, lagi na lamang pinagbabantaan ang biktima na ipapapatay si Lucero sa kanyang kapatid na ex-convict. Si Lucero ay isang matagumpay na negosyante na nakagawa ng maraming subdibisyon sa Laguna.

Habang isinusulat ang balitang ito, pinilit makapanayam si Jocelyn Garcia, ngunit hindi ito matagpuan kahit sa burol.

Si Lucero ay naparangalan bilang isa sa mga outstanding developer ng mga socialized housing noong 2007.

Pinoy Parazzi News Service

loading...

One thought on “Developer sa Canlubang, Todas sa Loob ng Bahay

  1. Pingback: Developer sa Canlubang, Todas sa Loob ng Bahay | Latest Celebrity News

Leave a Reply

Your email address will not be published.