Detalyadong SALN, Isinantabi ng CSC

WALA NA umanong plano ang Civil Service Commission (CSC) na ipatupad ang pagbabago sa form ng statement of assets, liabilities and networth (SALN) ng mga opisyal at kawani ng gobyerno.

Sinabi ni House Appropriations Vice Chairman Rolando Andaya Jr. sa plenary deliberations ng 2013 budget ng CSC, nananatiling suspendido ang implementasyon ng bagong porma ng SALN.

Nangangahulugan na ring isasantabi na ang pagbabago sa SALN form, ani Andaya. Maaalala na iniurong ng CSC ang pagpapagamit ng bagong form matapos umani ng pag-alma mula sa mga mambabatas.

Ayon kay Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez sa kanyang pagtatanong sa CSC budget, hindi naman makatuwirang pati ang personal at family income, gayundin ang tinatawag na income derived at taxes paid ay idedetalye pa sa SALN.

Sobra-sobra aniya ito dahil iniaatas lamang ng Saligang Batas at Code of Conduct ng mga taga-gobyerno na itala sa SALN ang kanilang assets, liabilities at networth at hindi ang kagaya ng proposal ng CSC.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.