Detainee, Namatay sa Sakit ng Tiyan

NAMILIPIT SA sakit ng tiyan at namatay ang isang detainee sa loob ng detention cell sa Caloocan City kamakalawa ng umaga.

Dead on arrival sa President Disodado Macapagal Memorial Medical Center si Roy Bermundel, 34, ng General Mascardo, Bagong Barrio ng lungsod.

Nabatid na si Bermundel ay nahuling nang-umit ng Sustagen Premium na nagkakahalaga ng P1,600 sa SM Hypermarket sa Monumento ng lungsod noong Mayo 25, 2013 alas-9 ng gabi.

Dinala sa Sub-Station 1 sa Malolos Avenue ng lungsod bago iniharap sa piskal kung saan pinagpipiyansa ng P12,000 para sa pansamantalang kalayaan.

Dahil wala pang pera ay ibinalik sa SS-1 ang biktima kung saan alas-7:20 ng umaga ay nami-milipit sa sakit ng tiyan na naging dahilan upang dalhin sa PDMMMC.

Inaalam na ng mga pulis kung ano ang ikinamatay ni Bermundel.

 (MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.