Detachment nilusob ng 50 Awliyah rebels 15 patay sa sagupaan ng AFP at bagong grupong rebelde

LABINLIMANG KATAO ANG nasawi sa bakbakan kabilang ang dalawang sundalo kahapon ng ma-daling-araw sa bayan ng Talipao, Sulu.

Sa inisyal na ulat na ipinarating ni Lt. Col. Randolph Cabangbang, spokesperson ng AFP Western Mindanao Command sa Camp Aguinaldo, iniulat ni Col. Romeo Tanaldo, kumander ng Marines sa Sulu na alas-4:30 ng madaling-araw nang lusubin ng 50 armadong lalaki ang detachment ng 30th Marine Company sa  Barangay Cabungcol sa bayan ng Talipao sa Sulu.

Gayunman, agad nakaganti ang militar at idinepensa ang kanilang hukbo subalit dalawa sa kanilang mga kasamahan ay namatay habang anim ang sugatan.

Makaraan ang dalawang oras na bakbakan ay 13 bangkay ng mga kalaban ang narekober sa lugar habang nasamsam ang pitong matataas na kalibre ng mga armas ng mga ito.

Sa pagsisiyasat, ang mga lumusob ay bagong grupo na “Awliyah” na pinangungunahan ng isang Hatib Zacaria at umano’y may kaugnayan sa bandidong Abu Sayyaf at renegade Moro Islamic Liberation Front.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.