Desperadong Mister, Nagpakamatay

KAWALAN NG PAG-ASANG makaahon sa hirap ng buhay ang nagtulak sa isang 52-anyos na mister upang wakasan ang sarili nitong buhay sa pamamagitan ng pagbigti kahapon ng umaga sa Valenzuela City .

Ang biktima na wala nang buhay nang matagpuan ay nakilalang si Abelardo Sunga, ng No. 171 Salazar St., Parada, Valenzuela City.

Sa nakalap na impormasyon sa Scene of the Crime Operatives-Northern Police District Office (SOCO-NPDO), dakong alas-7 ng umaga nang makita ang biktimang wala nang buhay sa ilalim ng hagdan sa loob ng kanilang bahay sa naturang lugar matapos itong malaglag nang mapatid ang sinturon na ginamit nito sa pagbigti.

Ayon sa asawa ng biktima, bago ang insidente, nagpaalam pa ito sa kanya at sa kanilang mga anak na aalis siya kina-bukasan. Hanggang sa nakita na lamang nila kinaumagahan na wala na itong buhay at duguan nang mabagok ang ulo nito mula sa pagkakahulog sa hagdan, dahilan upang i-paalam sa pulisya ang nasabing insidente.

Nabatid ding palagi na lang umiinda sa hirap ng kanilang buhay ang biktima sa tuwing siya ay nakakainom ng alak at ikinukumpara nito ang marangyang buhay ng kanyang mga kapatid.

Inaalam na rin ng pulisya ang naturang insidente kung may naganap na foul play.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.