Desperadong estudyante, nanghostage

SWAK SA kulungan ang desperadong estudyante nang i-hostage nito ang isang kawani ng paaralan sa Navotas City kamakalawa ng umaga.

Kusa namang sumuko sa mga awtoridad ang suspek na si Esmeraldo Yarcia III, 23, estudyante ng Isabela State University at dating estudyante ng Navotas Polytechnic College.

Nasa ligtas namang kalagayan ang biktimang si Amy Perez, 30, office clerk ng Navotas Polytechnic College, at residente ng Daanghari, ng nasabing lungsod matapos itong maayos na isuko ng suspek sa pulisya.

Dakong alas-8 ng umaga nang maganap ang insidente sa tanggapan ng administration office ng NPC na matatagpuan sa Bangus at Apahap Sts., NBBS ng nasabing lungsod para kunin ang kanyang Transcript of Record.

Dito, nadiskubre ng suspek na may dalawang subject siya na ‘Incomplete’, ang Basic Mathematics at Communication, Thinking and Studies Skills, hanggang sa mawala sa sariling desisyon.

Nagkataon na si Perez ang naroon sa naturang tanggapan at nagulat na lamang ito nang biglang pumasok sa loob si Yarcia at naglabas ng patalim saka hinostage ang una.

Ilang mga empleyado naman ang nakakita sa insidente dahilan upang ipagbigay-alam sa mga awtoridad at nang respondehan ay hindi nakikipag-usap ang suspek kundi isang miyembro ng media ang tinawag nito.

Dumating naman si Navotas Cong. Tobias Tiangco para makipag-negosasyon sa suspek at makalipas ang limang oras ay saka lamang ito sumuko at mahinahong pinakawalan ang biktima.

Nabatid na sangkot si Yarcia sa ISU sa kasong Scandal at Grave Threat, habang nakatakda na rin itong sampahan ng kaukulang kaso sa piskalya ng Navotas-Malabon Prosecutor’s Office.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.