Desisyon sa Hirit na Pagbaba sa Flagdown Rate sa Taxi, Malalaman sa Agosto

MAY POSIBILIDAD na sa buwan ng Agosto na makapaglalabas ng desisyon ang Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa petisyon ng commuters group na humihiling na i-rollback sa P30 ang flag down rate sa taxi.

Sinabi ni LTFRB Chairman Jaime Jacob na kai-langan pa nilang magtakda ng panibagong hearing sa nasabing petisyon.

Nakatakda ang hearing sa Agosto 7, kung saan magdedesisyon ang buong board kung kakatigan ang hinaing ng nasabing grupo.

Samantala, una nang iniatras ng National Council for Commuters Protection (NCCP) ang kanilang petisyon na ibaba sa P7.50 ang minimum na pasahae sa jeep dahil sa sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.