Desisyon ng Korte sa PDAF, Ikokonsidera sa 2014 National Budget

TINIYAK NI Senate President Franklin Drilon na bantay-sarado at hindi maaabuso ang panukalang 2014 national budget, alinsunod sa pagdedeklara ng Supreme Court (SC) na ilegal o labag sa batas ang Priority Development Assistance Fund (PDAF).

Nasa plenaryo na ang naturang panukalang P2.268-trilyon national budget at inaasahang maaprubahan ngayong taon.

Ayon kay Drilon, bawat pagbabago sa budget ay may konsultasyon sa lahat ng sektor na may kinalaman, tulad ng pagkonsulta sa Department of Education (DepEd) sa pagtatayo ng mga paaralan.

“The constitution empowers the Congress to craft and approve and appropriate public funds, but the matter of execution of the budget is within the power of the executive, the identification and recommendation of projects and programs must be performed by legislators during the budget enactment period,” ani Drilon.

“After the budget is passed, the congressmen and senators’ participation should be limited to their oversight functions,” dagdag pa ng pangulo ng Senado.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.