Desaparecidos Bill, Dapat Nang Isabatas

NANAWAGAN KAY Pangulong Benigno ‘Noy-noy’ Aquino III ang international rights group na Human Rights Watch (HRW) para sa agarang pagsasabatas ng Desaparecidos bill.

Una nang niratipika ng Kongreso ang Involuntary Disappearance Act of 2012 na nagpapataw ng kaparusahan sa mga sangkot sa kaso ng enforced disappearances.

Sinabi ni HRW director Brad Adams na makatutulong ang agarang pagsasabatas ng panukala sa commitment ng pamahalaan para matugunan ang mga kaso ng paglabag sa mga karapatang pantao.

“It would demonstrate the Philippine government’s commitment to address human rights abuses such as the abduction and killing by the security forces of activists, environmentalists and journalists,” pahayag ng grupo.

Samantala, pinuri rin ng nasabing grupo ang Kongreso sa pagsusulong ng naturang  panukalang batas na tinuturing na kauna-unahan sa Asya.

Sa ilalim ng nabanggit na panukala, ang sinumang mahahatulan ay nahaharap sa parusang pagkakakulong habambuhay at pinatitiyak din nito ang agarang resolusyon ng korte sa mga habeas corpus at amparo proceedings.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.