Derrick Monasterio, tuluy-tuloy na sa pagiging singer

KUNG PARANG “GUEST star” lang ang kanyang first movie appearance sa Tweenhearts Class of 2012, this time sa pelikulang The Road, very proud ang hottest teen actor na si Derrick Monasterio dahil isa na siya sa lead stars sa nasabing pelikula. Bagama’t horror ang movie, nagpakitang-gilas ang guwapong teener sa mga nakakatakot na eksena at nakipagsabayan sa kanyang co-actors sa pag-arte.

Pagkatapos ng The Road, sa comedy-drama namang My Househusband nina Judy Ann Santos, Ryan Agoncillo at Eugene Domingo na intended sa Metro Manila Film Festival mapapasabak si Derrick. Excited ang bagets dahil first time niyang makakatrabaho sina Juday, Uge at Ryan at si Direk Jose Javier Reyes. Aside from him groomed to be one of GMA-7’s young leading man, tuluy-tuloy rin ang pagiging singer ni Derrick, in fact, pumirma na siya sa isang recording studio at anytime ay magsisimula na siya ng kanyang first album.

Isa ang singer-composer na si Ogie Alcasid sa mga gagawa ng kanta ng bagets plus iba pang magagaling na singer na hanga sa husay ng boses niya. Sa Party Plipinas nga ay nakikipagsabayan na sa kantahan si Derrick gaya nu’ng isang Sunday kung saan sina Aljur Abrenica at Dennis Trillo ang kasama niya sa isang portion at umawit silang tatlo. Pagkatapos nu’n ay nakatanggap ng tawag si Derrick sa isa sa mga top executive ng Siyete saying na maganda talaga ang boses niya.

Siyempre, huwag namang ikalalaki ng ulo iyon ni Derrick, tamang mas lalo pa niyang pagbutihin ang mga ginagawa niya’t patuloy na mahalin ang trabaho.

 

LITERAL NAMANG NA-AMAZED kami sa 25 naggagandahang mga “beki” na kalahok sa “Amazing Philippine Beauty 2011” nang ipakilala sila sa press last Oct. 19 sa isang function room ng Sofitel Hotel. Aakalain mo talagang mga tunay na babae sila. May kamukha ni Lovi Poe, Solenn Heussaff, Anjanette Abayari, Cory Quirino, Azenith Briones, Maricel Morales at Aubrey Miles. Actually, ang winner last year ay hawig naman kay Angel Locsin. Sa true lang, maraming kalalakihan ang mapi-peke ng mga ito.

Pero ang pinag-usapan nang husto nu’ng araw na iyon sabay pinagkaguluhan ng mga media) ay ang dating member ng “Teenstar” ng Master Showman ni Kuya Germs Moreno. “Babaeng-babae” na ngayon si Akiro Verano na nagsasabing noon pa raw na nasa showbiz siya ay alam niyang “gay” na siya, inilihim lang niya dahil nga maraming nagsasabing artistahin ang look niya.

‘Yun nga lang, pinili pa rin niya kung ano siya at ngayon nga ay heto’t “bumigay” na siya nang tuluyan. Naka-two-piece at nagmumura na rin ang “harapan” niya na sinimulan lang niya sa pag-inom ng pills hanggang sa “pinagalaw na rin niya kay Dok.” Maging beauty queen daw talaga ang dream niya at ang maging part ng “The Amazing Beauties” kung saan world-class performance” ang ibinibigay sa mga mahihilig manood ng shows nila.

Anyway, gaganapin ang pre-pageant nito sa November 12 at ang grand coronation night naman ay sa November 19 sa Manila Film Center, CCP Complex, Pasay City. ‘Yun na!

 

RAP EN ROL
By Ronald M. Rafer

loading...

2 thoughts on “Derrick Monasterio, tuluy-tuloy na sa pagiging singer

Leave a Reply

Your email address will not be published.