Derrick Monasterio, tinira na naman ng AlDub fans

Derrick Monasterio, tinira na naman ng AlDub fansTamang hinala ang AlDub fans kay Derrick Monasterio.

Ang feeling yata ng AlDub fans ay si Maine Mendoza ang tinutukoy ni Derrick Monasterio na Delilah when he uploaded on Instagram a video of him while singing.

Agad-agad na nag-react si Derrick sa message sa kanya ng ilang fans na si Maine ang tinutukoy niya sa kanta.

“Guys FYI po Wala akong pinapatamaan sa posts ko sa please stop!! I just love the songs im making a cover, of thats it! Be open minded!,” say niya.

Aware na aware kasi si Derrick na maba-bash na naman siya ng AlDub fans. Isang manggagamit para sa AlDub si Derrick kaya naunsyami ang kanyang panliligaw sa dalaga.

Nang masulat na nag-date sila ni Maine noong Valentine’s Day sa Subic ay binash nang husto si Derrick. Kaliwa’t kanang panglalait ang inabot niya mula sa AlDub fans. Masasakit na salita ang kanyang tinamo mula sa fans nina Maine at Alden.

Sinabihan nga raw siya ng management  na iwasan si Maine dahil may Alden Richards na ito at masisira ang ilusyon ng fans kaya naman kaagad na iniwasan ni Derrick si Yaya Dub.

Para ipakitang sweet sina Maine at Alden ay sunud-sunod na pampakilig ang inihanda para sa idiotang AlDub fans. Ipinakitang sweet silang naghahabulan sa Tagaytay. Meron pa silang  Boracay episode. And to top it all, naghalikan sila sa EB studio.

We felt na lahat ng iyan ay matinding paandar lang dahil natatalo na sila ng “It’s Showtime”. Hit na hit kasi ang ‘Tawag ng Tanghalan’ portion nila.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleMeg Imperial, nagbukas ng salon business sa Naga City
Next articleSa pagkapanalo bilang
2016 Nickelodeon Kid’s Favorite Pinoy Personality

Maine Mendoza, binati ng JaDine, KathNiel, at LizQuen fans sa social media

No posts to display