Derrick Monasterio, p’wede na raw dumiskarte kay Bea Binene

Bea Binene and Derrick Monasterio

Bea Binene and Derrick Monasterio

Puwede naman palang maging magkaibigan ang dalawang artista na magkasama sa isang pelikula or teleserye.

Tulad sa kaso nina Bea Binene at Derrick Monasterio na sa simula, dumiskarte ang binata sa dalaga, pero hindi nag-work out. Marahil, masyado pang bata si Bea.

Naging magkaibigan ang dalawa na kahit natapos na ang una nilang afternoon serye, tuloy pa rin ang pagiging text friends nila.

Mas naging komportable nga raw sila sa isa’t isa. Mas naging magkabarkada.

Kuwento ni Derrick sa presscon ng bago nilang afternoon show na “TsuperHero”, mas naging close sila ng dalaga.

“Nagte-text kami. We say goodnight with each other bago matulog,” kuwento niya.

Dahil sa “special friendship” nila ni Bea, pati ang gym trainor ng binata ay pinalitan na rin niya at lumipat na sa trainor ng dalaga para magkasama sila sa pagdyi-gym.

“Kung minsan, tulog pa ako, siya ang gumigising sa akin or si Mommy, tatawagan niya,” pagkukuwento pa ni Derrick.

Sa pagkakataong ito, baka raw magkaroon ng chance na maging “personal” na sila sa isa’t isa.

“Siyempre nasa tamang edad na rin kami, kaya I think okey na. P’wede na. Dati kasi, si Bea masyado pang bata,” kuwento ni “Tsuperhero” sa amin.

Sa new pantaserye show nilang dalawa, makasasama nila si Alma Moreno na matagal-tagal na rin namang hindi nakagtagawa ng project with GMA, si Gabby Concepcion, at si Miggs Cuaderno sa direksyon ni LA Madredejos na mapanonood na starting November, every Sunday.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.