Derek Ramsay, works on ‘The Wedding’ and ‘Maruja’

AS AN ACTOR, saludo kami kay Derek Ramsay kahit baguhan pa lang siya sa showbiz.

Pinaiyak niya tayo sa madamdamin niyang pagganap bilang gay sa MMK. Nakipagtagisan ng galing sa pag-arte kay Judy Ann Santos sa teleseryeng“Ysabella.” Palibhasa seryoso sa kanyang propesyon at kinakitaan ng potential ang hunk actor, kaya nagkasunod-sunod agad ang kanyang mga project.

“Actually, nagkakasabay-sabay na ‘yung project ko. Well, ever controversial teleserye na ginagawa na namin ang The Wedding and Maruja. Teleserye with Judy Ann Santos, katatapos lang namin gawin ‘yung movie with Tita Maria (Maricel Soriano) and then, may ginagawa akong movie with Bea Alonzo so, medyo hectic, nawala na ‘yung pagka-sports ko,” intro ni Derek.

Masuwerte si Derek sa blessings na dumarating sa kanya. Hindi kaya siya pagselosan ng kapwa niya artista sa Dos? “Hindi naman, nagkataon lang na nagkasabay-sabay, wala naman akong alam na may nagseselos na artista. I think, nagkasabay-sabay lang kasi, ‘yung teleserye was put on hold, ‘yung The Wedding was put on hold. Ginawa namin ni Anne ‘yung Maging Sino Ka Man Book 2 although, nagkataon lang na nagkasabay-sabay. Wala pa naman akong na-encounter na artistang nagseselos.

“I consider that blessings talaga itong mga projects, working with such great actors – Juday whom I’ve worked before. Si Anne, nakatrabaho ko na rin, first time ko with Kristine Hermosa so, it’s a pleasure na nakakatrabaho ko ‘yung mga leading ladies ng ABS-CBN,” masayang sabi ni Derek.

Exclusive nga ba si Derek sa ABS? “Yes, I don’t have a contract per se, you know. Right now, I’m with them and my word is good. They’re giving me projects, they’re taking care of me so, doon talaga. Binibigyan nila ako ng project ng ABS, respect ko sa kanila ‘yun. But there is no written contract, Star Cinema mayroon. Mayroon akong written contract with them, three pictures. Bakit wala akong written contract, verbal lang? ABS recognizes na they put the trust na puwede akong gumanap in this role, and I keep my loyalty to them.”

Sino nga naman ang mag-aakalang magagampanan ni Derek nang buong husay ang papel na kanyang ginagampanan sa bawat teleserye. “Alam mo, if there is one person na na-surprise – ako ‘yun! Hindi ko alam. To tell you the truth, camera shy ako, even though gumagawa ako ng mga commercial. The truth, camera shy talaga ako. Noong nag-venture ako, sinubukan ko ang pag-acting – drama pa!”

Sa mga papuring natanggap ni Derek, masasabi kaya niyang isa siyang magaling na actor? “Hindi, marami pa akong dapat matutuhan. The only way to do that is to experience and learn from my fellow actors. And I consider myself very lucky na ‘yung mga mahuhusay na artista’ng nakakatrabaho ko. Si John Lloyd Cruz nakatrabaho ko, I learned so much just watching John Lloyd. Si Judy Ann ofcourse. Well everybody, I try to learn and find out new things about myself.”

‘Yung galing ni Derek as an actor, paano niya na-develop? “Kasi, ako ‘yung tipong I like to get over my fear. I have a fear in height, ang ginawa ko, tumalon ako sa eroplano. I went sky diving, I’m afraid of sharks so, I went swimming with sharks. Ang hindi ko lang ma-overcome ‘yung fear ko sa daga, pabayaan na lang natin ‘yung fear na ‘yun. Ang fear ko being in front of the camera, I took it as a challenge, pumasok ako sa industry. You know, competitive ako so, when I do something, I do it right. So, kung mahirap ‘yung role, like sa MMK na very challenging ‘yung role na gay. Gusto ko ‘yung mga ganoong role natsa-challenge talaga ako. Nag-start ako sa Panday, nag-freakrick out dahil ‘yung first scene ko iiyak ako. In real life hindi talaga ako umiiyak, mahirap akong paiyakin pero na-surprise ko ang sarili ko, napaiyak ako. Challenge, it’s not competing with my fellow actors, it’s overcoming the challenge. Gusto kong ipakita sa taong kaya kong gawin. Everytime na iniisip ko siya, put smile on my face, na over come ko na ‘yun. ‘Eto na naman, may bago na naman kailangang ma-over come. So, each opportunity to prove I’m getting better, developing as an actor instead of being nervous about it, talagang sugod,” pahayag ng simpatikong aktor.

by Eddie Littlefield

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.