Derek Ramsay, walang balak ligawan si Cristine Reyes

HINDI NAMAN porke nakitang magkasama ay nagliligawan na. Ito ang kuwento ni Derek Ramsay sa isang panayam sa kanya this week, dahil nabanggit naman ang kanyang pangalan sa hiwalayang Rayver Cruz at Cristine Reyes.

Yes, dalawang beses nang lumabas at nakita ng publiko sina Derek at Cristine Reyes, pero magkaibigan lang sila at hindi nanliligaw ang actor sa dalaga. Una rito, last year sa Batangas kung saan aksidente silang nagkita. Kasama niya ang kanyang pamilya noon, samantalang si Cristine ay kasama ang kanyang mga kaibigan. Pangalawa, sa isang gimik kasama ang mga kaibigan sa The Fort noong December.

Kuwento niya, “Sabi nga ng mga tao, nakikita nila kaming lumalabas… yeah… twice? But comfortable. We’re comfortable to be seen by anyone because we’re friends.”

Naging malapit daw sina Derek at Cristine simula noong magkatrabaho sila sa 2011 film nilang No Other Woman.

Natatawa pang dagdag pa ng ‘Kidlat’ star, “We have a very weird relationship because everytime na I call to check up on her, sasagot ‘yan na ‘Ano? Mang eepal ka na naman?’ Pero ganu’n lang talaga siya magsalita. And that’s how we are with each other and we laugh about it.”

Pero patuloy na pinanindigan ng Kapatid Hunk na hindi talaga siya ang dahilan ng break-up. Aniya, “We’re friends. We developed this friendship over No Other Woman. Rayver was my friend before No Other Woman.

Lastly, Derek said, “I don’t give it much attention and I won’t let it affect my friendship with AA (palayaw ni Cristine).”

 

MASAYANG KAKUWENTUHAN itong si Direk Dante Nico Garcia o Direk GA sa mga malalapit sa kanya.

Sa pakikipag-usap namin dito sa nakaraang presscon para sa kanyang pagkakapili bilang liaison director para sa kauna-unahang Asean International Film Festival & Awards (AIFFA) na nakatakdang gawin sa March 28 to 30, 2013 sa Kuching, Sarawak, Malaysia, masaya niyang ikinuwento na ‘yung kanyang huling indie film na Madaling Araw, Mahabang Gabi ay parang hindi nga kinagat ng madla kahit na big stars ang nagbibida ito. Kaya naman daw kahit na ganu’n ang nangyari ay pinagtatawanan na lamang daw niya. Baka raw wala pa talagang captured audience ang mga ganu’ng klaseng pelikula.

Say niya, “Natatawa din ako sa scenaryong baka mas madami pang nakapanuod sa shooting ng movie kaysa nanuod sa sine.”

Ang Facebook friends naman daw niya ay nagtatanong tungkol sa movie kung kailan daw ito ipinalabas, gayong matagal nang tapos ang theater run nito.

Dagdag pa niya, andami raw nagla-like sa kanyang posts tungkol sa movie, siguro daw more than a hundred, pero naisip niya, manonood kaya itong mga nagla-like?

Go, go, go lang Direk Ga and congrats sa bagong journey mo.

 

SA ISANG private resort sa Sarangani nag-celebrate ng kanyang 34th birthday si Jinkee Pacquiao at kakambal nitong si Janet. Kumpleto ang buong pamilya sa simple at hindi magarbong kasiyahan sa isang mala-paraisong beach na paborito raw talagang lugar ni Jinkee tuwing magbi-birthday ito.

Ayon pa sa report ng TV Patrol, naiyak naman si Mrs. Pacquiao sa mensahe ng kanilang anak ni Manny dahil napaka-sweet daw nito. Say niya, “Kasi minsan lang sila nagbibigay ng message, so parang meaningful talaga sa akin.”

Sabi naman ni Manny, “Salamat sa kanyang kabaitan na ipinakita. Wala nang kasing mommy like you, so I love you so much.”

Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

3 thoughts on “Derek Ramsay, walang balak ligawan si Cristine Reyes

  1. TAma nmn c Dere….d nga nmn porke nkitang magkasama eh nagliligawan n…dhil d nmn need magligawan pede nmn KANTUTAN N AGAD!

  2. Pingback: Derek Ramsay, walang balak ligawan si Cristine Reyes - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.