Derek Ramsay, wagi ang 2017 at tuloy ang ratsada ng career sa 2018

VICTORIOUS ang pagtatapos ng taong 2017 kay Derek Ramsay!

Nagwagi siya bilang Best Actor sa 2017 Metro Manila Film Festiva dahil sa kabilib-bilib niyang performance sa movie nila ni Jennylyn Mercado na All Of You mula sa Quantum Films, Globe Studios, MJM Productions at Planet Media.

Ito bale ang second best actor ni Derek sa MMFF. Una siyang gin

Derek Ramsay

awaran ng kaparehong award sa 2015 entry nila ni Jen na English Only, Please.

Tumabo pa sa takilya ang second movie nila ni Jennylyn kaya naman sobrang suwerte talaga ng aktor.

Ang isa pang magandang nangyari  sa showbiz career ni Derek last year ay nu’ng naayos na ang gusot sa pagitan nila ng Star Cinema at ABS-CBN.  Dalawang movies ang gagawin niya sa Star Cinema at uunahin niya ang pelikulang tentatively titled Kasal kasama sina Bea Alonzo at Paulo Avelino mula sa direksyon ni Ruel Bayani.

Magsasama rin silang muli ni Kris Aquino sa isa pang project this year.

Bilang endorser naman, umeere na ang bagong TV commercial niya sa Dunkin’ Donuts.

Hindi lang competent actor si Derek kundi box-office attraction pa kaya mabentang-mabenta siya bilang lead actor ngayong 2018!

 

 

La Boka
by Leo Bukas

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.