Derek Ramsay, tinamaan na ng sakit

SOBRANG DAMING GINAGAWA ngayon ni Derek Ramsay. Bukod sa kanyang pelikulang I Love You Goodbye, kasama ang kanyang real-life girlfriend na si Angelica Panganiban, busy rin ngayon si Derek sa kanyang teleseryeng Habang May Buhay kasama naman si Judy Ann Santos.

Matagal-tagal nang ginagawa ang teleserye nina Juday at Derek at nagkapalit-palit na nga ng cast pero sa pagtuntong ni Direk Wenn Deramas, natawid at natapos na rin ang kanilang proyekto.

Noong Sabado at Linggo, ratsada sa kanilang mga mall tour ang ilan sa mga cast ng I Love You Goodbye. Nagpunta sila sa SM Bicutan at SM Bacoor at sinalubong sila ng napakaraming fans na excited na naki-game at nakiagaw ng mga posters!

“Sobrang nakatutuwa na maraming taong pumunta ngayon sa mall show namin. Sana ganito rin kadami ang mga taong pumila at manood sa December 25 ng pelikula naming I Love You Goodbye.” Pahayag ni Angelica.

Pero noong Linggo sa Bacoor, hindi na nakasipot si Derek. Maraming fans ang nag-expect sa pagdating ng hunk actor, pero nagulat sila nang hindi ito dumating. Nag-sorry si Angelica sa mga fans habang nakasalang ito sa stage, at sinabing “Nag-text sa akin si Derek, at nagpapasabi na sorry raw at hindi siya makapupunta ngayon. Kahapon pa kasi siya may sakit.”

Sabado pa lang, sa pakikipag-usap namin kay Derek, sinabi na nito na may lagnat na nga siya at pinilit lang niyang bumangon para sa mall show ng Bicutan.

Sa darating na Sabado ay nasa Robinson’s Place Ermita naman ang buong cast kasama na nina Angelica at Derek sina Kim Chiu, Gabby Concepcion, Joem Bascon, Janna Dominguez, Angel Aquino at Ketchup Eusebio. Pihadong mag-eenjoy ang mga fans dahil itotodo na ng lahat ang kanilang pagpo-promo para sa pelikula. Kaya go na kayo dun, ha?!

STAR STUDDED AT talaga namang bonggang-bongga ang nangyaring Christmas special ng ABS-CBN. Nasa backstage kami noong time na ‘yun at talaga namang napakaraming artista ang nagkakagulo. Mula sa mga baguhan hanggang sa mga beteranong mga artista, makikita mong excited at talagang naghanda nang husto para sa kanilang mga production number.

Ang dapat abangan ng mga fans ay ang part 2 ng Christmas special, kasi roon na ipakikilala ng ABS-CBN ang mga bagong teleseryeng naka-line up sa 2010. Pinangungunahan na ito ng Habang May Buhay kasama sina Juday at Derek, at ng Kung Tayo’y Magkakalayo kasama sina Kris Aquino, Kim Chiu, Gerald Anderson, Coco Martin at pati na rin si Baby James!

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.