Derek Ramsay, target of demolition job!

PARA TALAGANG MAYROONG mga kumikilos para ilaglag si Derek Ramsay. Kung anu-ano na lang ang intrigang ibinabato sa kanya damay na rin ang kanyang girlfriend na si Angelica Panganiban. Hindi naman ito nakapagtataka, dahil mayroon silang ibang tao na nakakasamaan ng loob dati na baka nagtatanim pa rin ng galit sa kanilang dalawa hanggang ngayon. Nahahalata na rin daw kasi ni Derek, na pagkatapos ng isang intriga ay mayroon na ulit kasunod na ibabato sa kanila.

Pero mayroong mga naninira kay Derek na obviously ay hindi siya ganu’n kakilala bilang tao. Tama ba namang gawan ng tsismis, na diumano’y nang ma-hospital daw ang boyfriend ni Angelica kaugnay ng intrigang mayroon siyang sakit na Cancer, ay hindi makabayad ang actor ng kanyang hospital bills? Ang cheap, huh! Isang napakalaking pang-iintriga ito. Kasi nga, simpleng tao lang talaga si Derek, pero bukod sa may pera siya, ay napakayaman ng kanyang mga magulang para kung sakali ay hindi mabayaran ang kanyang atraso sa hospital, ‘noh!

‘Yung ibang tao rin, walang konsiderasyon sa pupuwedeng maramdaman ni Angelica. Tama ba naman ang mga pangungumbinsi na huwag na nitong pakawalan si Derek, dahil mayaman? Mas may edad si Derek kumpara kay Angelica, pero hindi naman D.O.M. si Derek para gawing isyu na mayaman siya para sa babaeng karelasyon niya. Hindi na isyu sa kanilang dalawa ang pera. Napakabait nga ni Ramsay, dahil inilalayo niya si Angelica na maintriga tungkol sa kayamanan. Ayaw ng actor na pag-usapan ang tungkol sa pera.

 

GRABE ANG KADRAMAHAN nitong magkasintahang sina Melissa Ricks at Jake Cuenca tungkol sa sitwasyon ng kanilang relasyon sa ngayon. Two weeks ago, sa presscon ng pelikulang In The Name Of Love, natanong si Jake kung hiwalay na sila ni Melissa. Buong ningning, ang sabi ng guwapo at napakabait na aktor ay okey pa sila, na hindi pa sila hiwalay.  Nauna kay Cuenca ay may lumabas ding interbyu kay Ricks na nagdedenay tungkol sa kanilang hiwalayan. Na para bang okey pa silang talaga.

Kamukat-mukat mo’y hayan na silang dalawa, at sa magkahiwalay nilang interbyu ay nagpaparamdam na sila na mayroon nga silang problema tungkol sa kanilang relasyon. Nakakaloka! Kasi nga, magkasunod din silang sa magkahiwalay na interbyu ay nagpapahiwatig na mayroon talagang problema na inaayos. Para talagang malamig sila ngayon sa isa’t isa, kaya hindi na nakapagtataka kung ang susunod na nilang aaminin ay wala na talagang pag-asa na magkabalikan sila.

Minarkahan ko na si Jake sa panahon pa ng pakikipagrelasyon niya noon kay Roxanne Guinoo. Kapag tinanong mo siya kung kumusta sila ng kanyang karelasyon at sumagot siya ng “Okey kami!” ay nakakakaba iyon. Ibig sabihin, mayroon talagang problema. Nagpapaikot si Jake kapag may problema sa karelasyon. Hindi niya kailanman tinutumbok ang sagot na: “Yes, may problema kami!”

 

NAKAKABILIB ‘YUNG CONTESTANT na si Jose Emmanuel Cubil ng Pilipinas Got Talent dahil mukhang may future siya sa showbiz. Ang bilis at ang laki ng improvement ng kanyang hitsura. Nu’ng unang salang niya sa PGT ay wala pa siyang masyadong porma. Aba, nang mag-guest siya sa Umagang Kay Ganda, two weeks ago, nagbago na ang porma niya, nabihisan at naayusan na siya, na mukhang artista na. Cute ang boses niya, guwapo siya at maganda ang height. Nu’ng nakaraang Saturday ay grabe na kung tilian siya ng audience sa Pagcor Theater.

May screen name na kaagad si Jose Emmanuel. Siya na bigla si Jem Cubil. Ang taray! Pang-showbiz na ang dating. Natalo na si Kuya Rico na magician na dati kong paborito sa bagong season ng PGT, kaya ‘tulad ng karamihan, si Jem na ngayon ang paborito ko sa PGT.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

5 thoughts on “Derek Ramsay, target of demolition job!

  1. for d one who posted that derek doesn’t have a career…shame on you, you cannot even compared him to carlos agassi….

  2. i agree with eye of the tiger… kasi lahat ng ginagawa ni Marian, issue agad taz pinapalaki pa… hehhe i LIKE Marian but i’m not a fanatic… gusto ko sya kasi she’s true to herself despite the criticisms… This may sound cliche pero mas maganda pa din pag totoong tao ka…

  3. Si jem cubil na rin ang favorite namin sa pgt. The guy is young, tall, charming and talented. Pang showbiz talaga ang dating nya.

  4. there is nothing to demolish as the said actor doesn’t have any career. he’s comparable to Carlos Agassi whose acting is as bland as a local peanut butter. My dog is even better in playing frisbee

Leave a Reply

Your email address will not be published.