Derek Ramsay, sinasadyang pagselosin si Angelica Panganiban?!

NAG-TAPING NA SI Ruffa Gutierrez bilang isa sa jurors ng Talentadong Pinoy sa SM Skydome. At kahit nag-public apology na si Kris Aquino na tinanggap naman niya, maingay pa ring pinag-uusapan ang nangyaring iringan sa pagitan nila.  Siyempre pa, gusto ng media na marinig namang magsalita siya.

Ayon kay Ruffa, pagkatapos ng napabalitang pagwu-walk-out niya sa The Buzz last Sunday dahil kay Kris, reluctant daw siya to make a statement. Ayaw kasi umano niyang maakusahang gumigimik dahil sa desisyon niyang paglipat sa TV 5.  Pero na-realize niyang kailangan din daw niyang idepensa ang kanyang sarili and be judged fairly.

Unang binigyang-diin ni Ruffa,  she holds Boy Abunda raw and Kris Aquino in such high regard as professional mentors and personal friends. Kasunod nito ay ang paglilinaw na hindi siya naging emosyonal nang dahil lang sa linya ni Kris na “Ruffa, aminin mo, iba ang level ng saya rito” kundi sa mga condescending remarks daw ng huli sa kanya noticed by the viewers through the years na magkasama sila sa The Buzz na hindi na lang niya pinag-iintindi dahil sa pakisama. May mga pagkakataon din daw na ia-acknowledge ni Kris ang presence niya sa nabanggit na showbiz talk show, and other times daw ay hindi.

Nilinaw rin ni Ruffa na hindi raw siya nag-walk out. Nasa dressing room daw siya at hindi napigilan ang sariling umiyak nang umiyak kaya hindi na siya nakabalik on air para tapusin ang episode na ‘yon ng The Buzz.

Ipinagtanggol din ni Ruffa ang mommy niyang si Annabelle Rama na nakapagbitaw naman sa panayam ng Showbiz Central na something like “hindi pa man nananalo ang kapatid sa pagka-pangulo ay ang yabang-yabang na raw ni Kris” kaya huwag raw iboto ang kuya nito.

“My Mom has nothing personal against them (the Aquino family),” sabi pa ni Ruffa.  “She just expressed what she was feeling at that moment. Just like you and I, my mom has her own perspective. And we should respect that. After all, we live in a democracy.

“In the spirit of unity and our long tenure in The Buzz, I appreciate ang accept Kris’ apology. I will always remember my three years in The Buzz with fondness. I will miss everyone dearly.

“I would also like to apologize to the family of Kris kung nasaktan ko ang damdamin ninyo. Misunderstanding happens among the closest friends. Ang importante ay nagkaintindihan na kami.”

Sa internet, marami pa rin ang nagpu-post ng kanya-kanyang opinyon hinggil sa namagitang hindi pagkakaunawaan kina Kris at Ruffa. May mga pumapanig kay Kris. Meron ding si Ruffa ang kinakampihan at inaayunan ang nasabi ni Annabelle Rama na talaga naman daw yumabang na si Kris.

Yumabang na nga bang talaga ang TV host-actress na misis ni James Yap?

Feeling namin, parang medyo nga. Eh, ‘di ba’t nagkaroon ng isyung kahit si Coco Martin na co-star nito sa isang teleserye ay sumama rin ang loob dahil pinipintasan ni Kris na baduy ang mga isinusuot na damit ng aktor?

At saka no’ng nag-birthday si Kris last February, maraming reporters din ang naloka. Dati kasi, regular na nakapapasok ang movie press na gustong dumalaw sa live airing ng The Buzz kada Linggo.

Tapos biglang parang mga timawang ayaw papasukin ng guard dahil birthday ni Kris Aquino. Iniisip namin, paano na nga pala kapag nanalo ang kapatid niya? Baka ipasara na niya ang buong ABS-CBN kapag sunod na nag-birthday siya, huh!

Ganyan?!

MAY KARAPATAN NAMAN palang maging selsosa si Angelica Panganiban. There are other girls kasing nakikitang kasa-kasama ng boyfriend nito na si Derek Ramsay. Gaya ng isang non-showbiz girl na kasama ng binata sa litratong kumalat sa internet.

Kung ang hunk actor ang tatanungin, kaibigan lang daw niya ang nasabing babae. At normal lang daw na sometimes someone will say to him na kunan ng picture na kunwari’y hinahalikan niya.

Gano’n?!

Tapos may Saida Diola pa na miyembro ng EB Babes na lagi umanong nakikitang sinusundo sa Eat… Bulaga! ni Derek. At aminado naman ang aktor na he’s always out with Diola pero magkaibigan lang din daw sila.

And then, itinatanggi man ng aktor ang tsismis na nagkakamabutihan ulit sila ng ex-girlfriend niyang si Solenn Heusaff, aminado naman siyang nagti-text sila sa isa’t isa kung minsan.

Eh, parang sinasadya nga ni Derek na praningin ang napababalitang sobrang selosa na ngang girlfriend niyang si Angelica, ‘di ba? Selosa na nga, bibigyan mo pa lalo ng dahilang makaramdam ng selos!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

6 thoughts on “Derek Ramsay, sinasadyang pagselosin si Angelica Panganiban?!

  1. gf ni derek c angelica..dapat hindi siya sumasama sa ibang girls… ikaw anong feeling mo kpag nalaman mo yung bf mo sumasama sa ibang girls..diba magseselos ka…

  2. Someone should just clue Angelica in. “Angel, Derek is just not that into you.”

  3. i believe you’re right MJ sa pag analyze sa actions ni derek. i’ve read a lot of articles & interviews about guys na gusto na makipagbreak sa girlfriend but they are afraid to initiate the break-up or have a confrontation kaya gumagawa na lang ng paraan para maasar at magalit yung girl at yun na mismo ang makikipagbreak sa guy kaya abswelto agad ang guy minus the guilt! halatang si angelic yung mas patay na patay kay derek sa totoo lang. sana lang if talagang ayaw na ni derek then wag na niya patagalin at mas mahirap yon.

  4. this article is much way better than swarding article esp. about ruffa g. and kris
    And about derek and angel, wag nyo ng patagalin ang relasyon nyo kung ngayon pa lng ay hindi solid ang pagmamahalan nyo much better yun kesa mauwi sa kasal tapos mghiwalay din nman.

  5. ano ba naman derek! kung talagang love mo si angel eh dapat hindi ka gagawa ng anumang makakasakit sa kanya, meaning anything na pagdududahan niya ang katapatan mo sa kanya. kaming mga babae kasi feel na feel naming pinapakita talaga kung gaano kami ka-love ng bf or asawa namin, we feel so very special kapag ganoon. we want constant assurances. sa tingin ko naman love na love ka ni angel, sana ganun ka din sa kanya, don’t ever show her any sign na dapat siyang ma-insecure. well, kung talagang di mo na siya love, eh di be man enough to tell her straight on her face. hindi yung kung anu-ano ginagawa mo para lang maasar sa iyo at tuluyan ka ng i-break ni angel. kasi wawa naman si angel, she seems too in love with you and she deserve to be loved just the same. kasi kung ikaw kaya pag-selosin ni angel, tiyak masasaktan ka din. hay naku! mga boys talaga.

  6. Could it be na style yan ni derek in the hope na tuluyan ng ma-dishearten si angel at sya na mismo ang makipaghiwalay……he probably doesn’t have the guts (heart) to to tell her upfront/break-up w/ her…….Style yan ng mga lalaki eh ksi by nature, guys hate confrontation/drama as well as seeing a woman cry kya nga ba they just do things that irk the girl in the hope na yng girlalu na mismo ang maunang kumalas/maghamop ng break-up eh ‘di abswelto na sila ksi hindi sila ang nag initiate ng break-up.

Leave a Reply

Your email address will not be published.