Derek Ramsay, pinagdududahan ang sobrang open sa affair nila ni Cristine Reyes

HAPPY SI Cristine Reyes sa relasyon nila ni Derek Ramsay. Very open ang dalawa sa relasyon nila lalo pa’t wala namang sagabal at may kontrabida sa “love affair” nila.

Kaya nga cool si Cristine. Walang sagabal ang lovelife at pursigido sa taping niya ng Bukas Na Lang Kita Mamahalin with Gerald Anderson na nagsimula na last Monday sa Kapamilya Network. “In love siya kaya smooth ang career,” kuwento ng isang observer.

‘Yun nga lang, pinagdududahan ang masyado pagiging open ni Derek with matching post sa social networks ng kissing photos nila ni Cristine gayong sabi ng marami, gawaing babae o “beki” raw ang pag-i-Instagram or pa-selfie-selfie as what netizens call it.

Tuloy, duda ng marami, may lihim ng “Guadalupe” (gay lingo) itong aktor para ipangalandakan pa nito ang tweetums nila eksena ni Cristine.

Ang machong-macho na si Derek na pagdududahang beki? Ma at Pa!

 

Claudine-Raymart issue, para nang karnabal

 

KALOKA AT nagsanga-sanga na ang issue nina Raymart Santiago at misis niyang si Claudine Barretto.

Kanya-kanyang kampihan lalo pa’t si Claudine ay ayaw pa ring patinag sa kaguluhan nila ng mister at sa kasong isinampa nito laban sa asawa na Violence Against Women and their Children Act.

Karnabal na ang lahat. Si Gretchen Barretto, kumampi na kay Raymart habang ang akusasyon ng aktor sa asawa, ang lahat ng mga ito ay gawa lamang ng misis niya dahil mahilig itong magpa-interview at mapag-usapan ng media.

Sa nakaraang imbitasyon ng legal counsel ni Claudine na si Atty. Ferdie Topacio para sa “isang dinner event”, walang sinabi na darating si Claudine or may presscon kaya dumalo ang dalawang tabloid editors na sukang-suka na sa isyu at bangayan.

‘Yun pala, pagdating nila sa dinner venue, it’s a big press conference with matching VACC (grupo ni Dante Jimenez)  bilang taga-suporta ng aktres at ng abogado niya sa kasong isinampa laban sa aktor.

Napailing na lang ang media na nasa “dinner invitation” na tuloy sabi nila, isang gimik na naman ito para mapag-usapan.

Kaya nga ang kometaryo ng media na sumusunod sa isyung Claudine at Raymart; lahat ng ginagawa ng aktres ay isang taktika para mapansin lang at makuha ang simpatiya ng publiko.

“After ng dinner invitation, nagkantahan na lang kami,” kuwento sa amin ng isa sa invited guest.

“How will I take Claudine seriously kung siya mismo, dramatista pati sa totoong buhay,” sabi ng isa sa mga editor na present sa dinner cum press con plus sing-along event.

Basta para kay Raymart, isa lang ang gusto niya para matapos na ang bangayan nila ng asawa: “Naniniwala ako sa husgado. Lahat ng akusasyon, patunayan lang niya.”

 

Bangs Garcia, ayaw maikumpara kay Rosanna Roces

 

AYAW MAIKUMPRA ng sexy star na si Bangs Garcia kay Rosanna Roces. Sa mga nakaraang projects ni Bangs, pa-seksi ang roles niya kaya naman sa bagong liga ng mga artista ng Star Magic, maituturing na “very” daring na ito kung maikukumpara sa mga kasabayan niya.

Seksi si Bangs na malakas ang appeal sa mga kalalakihan. Kaya nga ingat na ingat siya na ma-typecast sa mga roles kung saan palagi siyang napapanood na tipong pang-adult.

Sa bago niyang pelikula na obra ng kaibigang Direk Mel Chionglo, opening scene pa lang ay love scene na ang eksena nila ng kaparehang si Allen Dizon.

Pero takot si Bangs na mabansangang “Bagong Rosanna Roces”. Kuwento niya,” Hindi ko kaya ‘yong sexy scenes na ginawa ni Ms. Osang but I respect her as an actress.”

Kuwento nga ni Direk Mel na dating direktor ng kontrobersiyal na sexy actress na si Claudia Zobel in the 80’s, “May sariling style si Bangs. Kung si Claudia instinctive acting; Bangs have her own interpretation sa mga eksena niya sa pelikula. I respect her”

One nice thing about Bangs, kabilang din pala siya sa mga babaeng “palaban” kapag ang issue ay about women power and their rights tulad sa karakter niya sa pelikulang pang-Sineng Pambansa All Master Series Film Festival.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

4 thoughts on “Derek Ramsay, pinagdududahan ang sobrang open sa affair nila ni Cristine Reyes

  1. para mapagusapan lang kahit sandali kasi wala na eh baka makalimutan na sya ng public,at least kapamilya ung ginagamit kahit papano may konting alingasngas,pero sandali din lang to at nega na rin naman ang dating ni cristine,kaawa c derek akala nya titingalain sya pg nakalipat sya sa tv5 oo nga malaki ang talent fee pero wala ka namang career,cno ba ang lumipat sa tv5 ang may career dba wala naman,

  2. ITONG SI GURANG NA DEREK RAMSEY EH PINATULAN NYA YUNG SI CRISTINE OUT OF NECESSITY…BAGSAK NA KASI ANG CAREER AT WALA NANG TUNOG YUNG PANGALAN NYA. HE’S HOPING NA TATAAS KAHIT PAPAANO ANG CAREER NYANG NAG-PLUMMET SA ROCK BOTTOM. GANUN BA ANG DI NA PAPATOL SA TAGA-SHOWBIZ. HAHAHA….USER AS IN BIG USER.

Leave a Reply

Your email address will not be published.