Derek Ramsay, no time for Angelica Panganiban?

KAILAN LANG, PUMIRMA ng two-year contract (three pictures) si Angelica Panganiban sa Star Cinema Films. Kasalukuyang ginagawa niya ang pelikula with Gabby Concepcion, Derek Ramsay and Kim Chiu. Ariba ngayon ang showbiz career ng dalaga, pati lovelife going stronger everyday with boyfriend Derek.

“Siyempre, may mga wish akong personally na gusto kong ma-achieve. Hindi naman porke artista ka, puro roon na lang naka-focus ‘yung mga pangarap mo sa buhay. Marami akong pangarap para sa famiy ko, sa mama ko,” intro niya.

Paano nga ba nagagampanan ni Angel nang buong-husay ang role niya ? “Hindi ko rin alam, kapag kilala ko na ‘yung character, iba akong umaral ng character. Ninanamnam ko siya, dinadala ko siya kahit nasaan ako. Hindi ko siya tinatanggal sa isip ko hangga’t ginagawa ko ang project. Alam ko kung paano siya magalit, alam ko kung paano siya iiyak, alam ko kung paano siya masasaktan, alam ko kung paano ang tawa niya.”

Pinakamahirap na role na ginagampanan mo? “Noong ginawa ko ‘yung Maging Sino Ka Man?. ‘Yung mga first five weeks ko roon. Kasi, sa tenement kami nakatira. And then, anak ako sa labas, si Tita Osang (Rosanna Roces) ang nanay ko, mahirap ang buhay namin.”

Intriga between Angelica at Cristine Reyes, paano nga ba nagsimula? “Hindi ko alam kung bakit? Kung ako ‘yung may problema sa set, sana ako ‘yung tinanggal, ‘di ba? Ganoon na lang ‘yun, ginusto niya. Nang bumabalik siya, nagkaproblema na, ayaw niyang mag-taping. Hindi namin alam kung ano ang dahilan. Sobrang okey kami, sabay kaming kumakain together, nakikita pa nga n’yo kami. Noong Christmas nagpunta ako sa house nila. Hindi ko nga alam kung bakit may ganu’ng lumalabas na isyu, kaya nga huwag na lang natin patulan,” paliwanag ni Angel.

Relationship ni Angel with Derek’s family, how is it? “Actually, noon pa nakakadalaw ako sa kanila and then ngayon, ‘di na napapadalas, dahil nga ang dami naming ginagawa parehas. Usually, madalas kami roon kasi, siya naggo-golf every Wednesday, pero ‘di na masyado ngayon. Usually kapag naggo-golf siya sumasama rin ako, tapos may dinner sa house nila, minsan ‘pag Sunday nandu’n kami.”

Kung may sex video si Derek, anong gagawin niya? “Siguro kung dati niyang buhay ‘yun. Siguro may mga taong sumusobra lang ang pagpa-fantasize sa isang bagay. Feeling ko normal lang sa isang lalaki, may kani-kaniya silang fantasy. Kung dati na ‘yun at iba na siya ngayon, bakit ang hindi.”

May time pa kaya sila ni Derek sa isa’t isa? “Hindi na rin kami nagkikita nang madalas kasi apat na soap ‘yung ginagawa niya. Matatapos siya madaling araw na, siyempre minsan nasa trabaho rin ako. Alangan namang gumising ako ng madaling araw at saka saan kami pupunta nang madaling araw. Noong Sunday, nagkita kami, nag-dinner lang. Hindi ako nakikipag-compete sa trabaho niya, sa family niya, sa friends niya. Kung bigyan niya ako ng time then, happy ako. Ganu’n din siya dapat sa akin.”

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

4 thoughts on “Derek Ramsay, no time for Angelica Panganiban?

  1. Huwag kayong mag alala dahil ako ang kumakantot kay Angela pag busy yung boyfriend niya so cool lang.

Leave a Reply

Your email address will not be published.