Derek Ramsay, nakikiusap na ‘wag bastusin si Cristine Reyes

NGAYONG INAMIN na nila Derek Ramsay at Cristine Reyes na sila na nga talaga at naging pormal ang kanilang relasyon noong August 28 lang, kung saan nag-usap sila nang masinsinan pagkatapos ng presscon ng Bukas Na Lang Kita Mamahalin, bukas na rin ang aktor sa paglabas ng mga larawan nila ni Cristine na sweet.

Naglabas nga sa Instagram si Derek ng larawan nila ni AA na naghahalikan at may caption na “This is forever”, ‘Di naman tinago sa amin ng hunk actor na masayang-masaya siya ngayon dahil nga sa aktres.

‘Di nga lang makapaniwala pa hanggang sa ngayon na mauuwi sila sa relasyon ni Cristine dahil one of the boys ang tingin niya rito at nabago lang ito nang magkasama sila sa loob ng mahigit isang linggo. Ang advantage sa relasyong Cristine at Derek ay matagal nang magkaibigan ang dalawa kung kaya’t masasabing kilala na nila ang isa’t isa.

Aminadong kinain niya ang mga sinabi niya noon na ‘di siya papatol sa isa uling artista at ayaw na niya ng isang high profile relationship gaya nga ng nangyari sa relasyon nila ng ex-girlfriend na si Angelica Panganiban. ‘Di itinago sa amin na natatakot siya, pero alam niya na kung hindi siya susubok sa mga bagay-bagay ay alam niyang ‘di siya magiging masaya.

Kung may masaya sa relasyon nila, ‘di maiiwasang may mga hindi rin kumbinsido at tanggap ang relasyon nila. Ang pakiusap lang ni Derek ay dahan-dahan lang sa pagkokomento ang ibang tao dahil babae si Cristine at huwag naman sana itong bastusin ng ibang tao.

 

Billy Crawford, mas tanggap ang isyung babaero kaysa bading

 

NAKAUSAP NAMIN kamakailan si Billy Crawford kung saan agad naming kinumusta ang aktor. Umalis ng bansa at nagpaalam pansamantala na iiwan ang showbizness, hahanapin ang kanyang sarili nu’ng kasagsagan ng isyu sa break-up nila ng girlfriend na si Nikki Gil. Pagkatapos ng ilang araw na pamamalagi sa Amerika para makasama ang mga magulang at makapag-isip, balik-It’s Showtime na ang aktor.

Ayon kay Billy, okay naman siya. Kahit nu’ng nandito ay nag-isip siya at ‘yun din naman ang ginawa niya nu’ng nasa Amerika siya. Para sa actor/TV host ay tuloy lang ang buhay. Ipinagpapasalamat niya na mayroon siyang pamilya at may mga tao na naniniwala at totoong nagmamahal sa kanya.

Lumikha ng kontrobersiya ang interview sa The Buzz kung saan inakala ng iba na ang sinabi niyang hahanapin niya muna ang sarili ay nangangahulugan na naguguluhan siya sa kanyang kasarian, ikinuwento ni Billy na tawa siya nang tawa tungkol sa isyung ito. Kahit kasi ang kanyang ina nang sunduin siya sa airport ay nagbiro ito na bakla na ang anak niya.

Sa isyu naman na babaero raw siya, para kay Billy ay matagal na itong isyu sa kanya at mas matatanggap niya ang isyu na ito, kaysa sa bakla siya.

Para kay Billy ay ‘di niya kontrolado kung anuman ang gustong isipin at sabihin sa kanya ng tao, nahusgahan na siya at dahil wala naman siyang masasabi ay mananahimik na lamang siya.

Naituro si Andi Eigenmann na third party sa break-up nila ni Nikki. Nagbiro sa amin si Billy na nagkasama lang sila ng aktres sa isang pelikula ay naisyu na sila agad dalawa.

Tinanong namin kung humingi rin ba siya ng tawad kay Andi gaya ng ginawa niya kay Coleen Garcia nang lumabas din ang pangalan nito sa break-up nila ng ex-girlfriend. Para sa aktor, humihingi siya ng tawad sa lahat ng mga nadamay sa isyu at ‘di niya talaga kontrolado ang sasabihin ng iba.

Kaarawan ni Nikki nu’ng nakaraang August 23, tinanong namin si Billy kung binati ba niya ang ex at ‘di naman itinago sa amin ng aktor na binati niya ito ng Happy Birthday at nag-text back naman sa kanya si Nikki. Hindi nagsasarado sa anumang posiblidad na mangyari sa hinaharap. pero sa ngayon ay pinapasa-Diyos na lang ni Billy kung magiging magkaibigan o magkakaaayos pa ba sila ng ex-girlfriend.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

9 thoughts on “Derek Ramsay, nakikiusap na ‘wag bastusin si Cristine Reyes

  1. Noon pang “OTHER WOMAN YAN”  Sinong pinag-loloko nyo?  sarili nyong dalawa?. 08-28-2013. wheeeee. Tell it to the marine….

  2. expected naman ni derek na mababastos lang si cristine sa relasyon nila. unang-una dahil talagang bastusin ang aura ng babaeng ito, walang pakundangan basta titi ang nakahain…parang kuneho yan eh. ayaw mabakante. tsaka payo lang kay derek, huwag kang mag-impose ng respect sa relasyon nyo…respect is earned not imposed.

  3. di na kailangang bastusin si Christine, siya na mismo nambabastos sa sarili nya. baka bigla napaamin si Mr Playboy kasi isinuko ni Ms Malandi ang “BATAAN” as she have done with her many relationships. kawawang babae, wala ng ma-offer kundi show business. no education, walang lalim. sana marami pang artista na disente at totoong role model in all sense. hindi pakitang tao hindi orchestrated ang mga ugali.:(((

  4. Looks who is talking, after years of having fun with each other and keep denying about their relationship , here is now, derek ramsey is admitting that they are one day a couple, whatever is the number of days and number of months and years both of you a couple , we dont give a damn, nobody is interested in reading your story coz people knew that even before you both have been denying your relationship … all i can say is goodluck toboth of you i surelyu hope it is really forever, amen…that is how controlling derek is……excuse me though i really dont know you as a person but read about you….

Leave a Reply

Your email address will not be published.