Derek Ramsay, naispatang kasama si Jinkee Pacquiao sa isang mall?! – Tita Swarding

OLA CHIKKA! MAHULAAN n’yo kaya kung sino itong pahuhulaan ko sa inyo? Itong si sikat na guwapong aktor, sobra na talagang hindi maabot, huh!

Kung noon, itong si guwapong award-winning actor ay nakikita lamang ng aking friend na direktor sa tabi-tabi lang. Hanggang sa nagustuhan siya ng friend ko, binihisan, ibinagay ng friend kong direktor ang lahat-lahat. Hindi lang ‘yan, ipinasok pa niya ito sa showbiz, kung saan itong si actor ay nagsimula sa mga indie movie.

O, naloka kayo, ‘no?! Kaya never na ang clue, dahil kilala n’yo na siya, huh!

In fernezz naman kay guwapong aktor, kahit malayo pa lang ito ay guwapo na talaga. Pa’no pa kaya sa malapitan? Makalaglag-panty talaga.

Naging sila ng friend kong direktor. Kung saan nga magpunta ang bading na direktor, join itong si guwapong aktor. Kaya lahat ng project ni direktor ay kasama si guwapong aktor. Kahit marami nang naglalabasang hokus-pokus sa actor na ito na pinipilahan ng mga bading sa showbiz, hindi ito pinaniniwalaan ng friend kong direktor. Nagbubulag-bulagan siya. Kaloka, ha?!

Ngunit nang makita ng isang TV executive itong si actor ay naloka ito, at hindi na pinakawalan. Nagbigay ng kung anu-ano si TV executive kay actor para maging sila. Kaya ayun, goodbye na itong si friend kong direktor, dahil pinalitan na siya ni guwapong aktor. Nakakaloka!

Dahil pati kasikatan, ibinigay ni TV executive. Hahaha! Pero chikka ng friend kong direktor, okey lang daw at siya naman ang nauna kaysa sa TV executive. Hahaha!

NAKU! HABANG GINAGAWA ko ang column na ito, nakatanggap ako ng text sa pinagkakatiwalaan kong friend na super-active sa showbiz. Huling-huli ng kanyang dalawang mata na magkasama itong si Jinkee Pacquiao at Derek Ramsay sa isang mall sa San Juan.

Nakitang gumimik ang dalawa at take note, with matching holding hands pa raw. Naku, ha?! Naloka ako du’n.

Diyan daw sa may bandang Wilson St. sa may Mocha Blends at hindi lang naman daw sila, kundi kasama raw ang mga friend ni Jinkee. Hmmm…

Alam kaya ito ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao? Ano naman kaya ang masasabi ni Angelica Panganiban sa isyung ito?

At panay pa nga raw ang lingon nitong si Derek sa paligid, at hindi raw ito tumagal nang bonggang-bongga. Umalis din ito kaagad gamit ang kanyang sasakyang Porsche. Tsk, tsk, tsk! ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articlePagkatapos ng serye: Kristine Hermosa, may aabangan pa ba?
Next articleHulicam: Tukaan nina Aljur at Kris (na naman!)

No posts to display