Derek Ramsay, nagpapagaling mula sa aksidente sa frisbee!

JUICE KO, NAKAKA-TENSE pala ang paboritong sports ni Derek Ramsay na frisbee, ‘no? Hayan at nasa ospital na naman siya dahil parang nabali ang arm niya’t 15 screws at 3 plates ang isinaksak sa kanyang braso.

Umaga pa lang ng laro nu’ng Sunday, excited na si Derek sa kanilang game. Tweet nga nito sa @IamDerekRamsay, “Morning guys!!! Today is the big day!!!!! Hope we win. Pls wish our team luck”.

Ang sumunod ngang tweet ni Derek, nu’ng sumundo na araw, at tipong namamaalam na sa paglalaro ng frisbee: “My biggest nightmare! Everything happens for a reason. I think this a sign for me to say goodbye to the sport I love so much.”

‘Yun pala, ayun, naaksidente nga at sabi nga niya sa tweet niya, nabali ang kanyang forearm “in three places” at kinailangang operahan na tumagal ng 4 na oras.

Buti na lang kamo at buo pa rin ang mukha ni Derek at hindi ito ang tinatamaan.

Anyway, ingat na lang next time, Papa Derek!

 

BA’T GANO’N ANG ibang tao, ‘no? Kahit sabihin naming pagkatapos ng “separation” namin ni Vice Ganda ay okay kami, parang hindi pa rin sila naniniwala?

Gusto nilang ipilit na hindi kami okay. Na malungkot kami. Na meron kaming dapat panghinayangan. Na kesyo ganito, ganyan si Vice Ganda.

Sabi nga namin, una pa lamang ay naka-mind set na kami na walang permanente sa mundo. Na lahat, may hangganan. Na ‘pag nangyari ang isang bagay, laging may rason kumba’t nangyari.

At ‘yung nangyari sa amin ni Vice, hindi naman naiiba sa nangyayari sa ibang relasyon din. Talagang gano’n. May katapusan.

Since maluwag sa dibdib naming tinanggap ang nangyari, ihinabilin pa namin sa ABS-CBN si Vice, sapat nang patotoo ‘yon na kami ay naka-move on na. No hard feelings at tuloy pa rin naman ang ikot ng mundo namin pareho.

Juice ko, isipin lang namin ‘yung ibang meron kami na bigay ni Lord, iiyak pa ba kami sa nawala o umalis? Ang importante, maayos ang paalamanan.

At pinakaimportante sa amin, nawala si Vice Ganda sa amin na siya’y sikat pa rin.

 

KAWAWA NAMAN SI Piolo Pascual. Kung nakamamatay lang ang panghuhusga, ilang araw na sigurong nakaburol si Papapi.

Buti nga, walang twitter at hindi rin mahilig sa social networking si Piolo. Kung meron siyang account sa facebook at twitter, malamang, sobrang depressed siya ngayon.

Pero sabi nga, that’s the price he has to pay for being so sikat. Talagang ganyan. Kahit nasa tugatog ka na, me mga ganyang eksena na hindi maiiwasan.

Juice ko, tinatanong nga rin kami ng aming mga twitter followers kung anong masasabi namin. Kung kami raw ba ay naniniwalang bading si Piolo.

Sa totoo lang, noon pa naman isyu ‘yan, eh. Naghihintay lang naman ng confirmation o denial mula kay Papapi, eh.

Pero ba’t ba gano’n ang tao, ‘no? Kung ano ‘yung gusto nilang malaman, ‘yun ang gusto nilang marinig. ‘Pag hindi naman ‘yung gusto nila ang mangyayari, lalo silang nagagalit.

Eh, ba’t nagtatanong pa kung lihis naman pala sa gusto nila ang sagot, ‘no?

Basta kami, sabihin n’yo nang bading si Papapi, ang dami pa ring nag-iilusyong babae at baklang gustong matikman ang katawan niya.

 

HINDI NA RIN kami magtataka kung si KC Concepcion ay sumunod na rin sa kanyang parents na ngayon ay pareho nang Kapatid sa TV5.

Parehong Star Magic talents sina Papapi at KC, pero ang pinaka-flag carrier ay si Piolo, kaya ewan namin kung ano ang magiging desisyon ni KC. Kung siya ba ay mananatili bilang Kapamilya o mas mararamdaman niya ang security kapiling sina Sharon at Gabby Concepcion sa Kapatid Network.

Abangan.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

14 thoughts on “Derek Ramsay, nagpapagaling mula sa aksidente sa frisbee!

  1. @laikabit0210(as in u-to-ten) – SABI KO NA NGA BA MAY LAHI KANG MINI-PINCHER EH, FINALLY SOMEONE STOOD UP FOR THE SPORT OF FRISBEE AT PURE BREED PA HA………………..HAHAHAHAHA………..IM SURE MAY MGA FRIENDS KA PA NA IBANG BREED…………HAHAHAHA

  2. Maraming talagang bobong pinoy hindi alam ang larong FRISBEE. may sports pong FRISBEE sa US at sa ibang bansa at maraming professional players sa buong mundo na napakagaling sa larong ito.

  3. @ed guese: may point ka sa comments about Vice Ganda, dapat hinayaan nalang na ABS siya jay Ogie ayos naman siguro ang pag manage ni Ogie da kanya at kita maman ang ebedinsya, kung may magandang plano man ang ABS sa kanya dapat hinayaan nalang nila na si Ogie parin ang manager niya, para sakin unfair ang ginawa nila kay Ogie.

  4. HINDI NAMAN SPORT IYANG FRISBEE.NAKAKAHIYA NAMAN ITONG SI DEREK MASYADONG ILUSYUNADO.FEELING NIYA NAPAKAHIRAP ANG FRISBEE.E YUNG ASO KONG SI SPOT MAS MAGALING PA SA AKIN.NILALARO NAMIN IYAN PAG AYAW KONG PAWISAN.DEREK.MAGPAKALALAKI KA NGA PARA KANG BABY

  5. hahahhaah… oo nkakatwa si shebie, naiimagine ko tlga laro ng mga dogs…hehehe! winner tlga ang mga comment super entertaining… dpat may column din cya dito… ehehhe…

  6. “Pinaka importante sa amin, nawala si Vice Ganda sa amin na siya’y sikat pa rin”

    Hindi ba ito nga ang masakit, mula sa isang mabahong kalye nakapulot ka ng isang galising tuta. Inuwi mo, nilinis, pinakain at inalagaan hanggang lumaking napaka-gandang aso. Pero isang araw, walang kaabog-abog ay may kumuha na lang nito sa iyo at sinabi na sila na lang ang mag-aalaga. Hindi ba masakit yun? Iba ang makikinabang sa iyong pinag-hirapan. Kung kailan sumikat ngayon pa nawala. Bakit hindi noon o kaya bakit hindi muna pabayaan sa akin ang aso para naman ma-enjoy ko rin ang aking pinaghirapan. Kailan nyo sya ibabalik sa akin, pag nagsimula na malagas ang mga balahibo. Napaka-sakit. Mabuti pa nga ang aso marunong kumilala sa amo.

  7. SUSME NAMAN ITONG SI DEREK, DI BA LARONG ASO ANG FRISBEE?……..HAHAHAHA……………NAPILAYAN? EH DI LALO NA PAG CHESS ANG NILARO NITO BAKA NASA ICU NA ITO NGAYON………HAHAHAHAHA

Leave a Reply

Your email address will not be published.