Derek Ramsay, nag-girlfriend pa para madaling makalimutan si Angelica Panganiban?

KASAMA NI Derek Ramsay sa larong Frisbee ang bago nitong girlfriend. At ayon sa aktor, mas maganda ang relasyon niya ngayon dahil malayo ito sa intriga. Pero marami ang nagsasabi na kung totoong in love ang binata, bakit daw hindi naggo-glow ang mga mata nito.

Ang usap usapan, kaya raw nag-girlfriend si Derek ay upang makalimutan si Angelica Panganiban na matagal ding minahal ng aktor.

“Huwag namang ganu’n. Masaya ako ngayon at iyon ang importante ngayon,” sabi sa amin ni Derek.

Ang totoo raw, mahal pa rin nina Angelica at Derek ang isa’t isa, nagkataon lang na umiral marahil sa kanila ang salitang “pride” kung kaya’t ang maliit na problema na dapat na naayos ay tuluyang nasira na.

“Huwag na. Ang importante, masaya na kami ni Angel,” pagdidiin pa ng aktor.

Hindi pa naipalalabas ang A Secret Affair, kung saan kasama ni Derek sina Anne Curtis at Andi Eigenmann, sunud-sunod na ang mga proyekto ng actor sa TV5, at ito ay ang Kidlat at Amazing Race Philippines na tiyak na aabangan at panonoorin nating lahat.

 

SI ARA Mina ang nagbulgar na ang ilong daw ng kanyang nakababatang kapatid na si Cristine Reyes ay niretoke.

“Sa pagkakaalam ko, nagpagawa din siya du’n sa doctor ni Kim Chui,” pahayag ni Ara nang makausap namin ito kamakailan.

Ayon kay Ara, wala raw contentment si Cristine sa buhay. Hindi na raw normal ang takbo ng utak nito kaya kung anu-ano na lang ang mga pinaggagagawa sa buhay.

“Sinasabi niyang nagkabati na kami, kelan? Since nu’ng magsampa ako ng case sa kanya, never pa kaming nagkita at nagkausap kaya nagtataka ako kung paano niyang sinasabing nagkaayos na kami?” sabi pa ulit ni Ara.

Kung tutuusin daw, ayaw na raw sanang patulan pa ni Ara ang mga pagmamaldita ni Ara sa kanilang pamilya. “Sobra na ang ginagawa niya. Masyado na niyang nasasaktan ang aming pamilya lalo na ang ina namin na sumasama na talaga ang loob sa mga nangyayari.”

Sabi ni Ara, naawa raw siya kay Rayver Cruz dahil kung tratuhin daw ito ni Cristine ay parang hindi boyfriend. “Mabait lang talaga si Rayver kaya napagtitiyagaan niya ang ugali ni Cristine.”

Sa pagtatapos, ayaw isipin ni Ara na nakikipagtalbugan sa kanya si Cristine. “Ayokong isipin iyon. Pero ok lang sa akin kung sumikat siya nang todo-todo. Pero sana isipin niya na kapag ang tao ay may inggit sa katawan, walang kahihinatnan ‘yan,” pagwawakas ni Ara sa aming kuwentuhan.

 

LUMAKAD SA apoy si Ilocus Sur Gov. Chavit Singson kamakailan at ayon sa butihing pulitiko, ang ginawa niya ay matagal na niyang gustong gawin.

“Sa simula siyempre kinabahan ako pero nagawa ko kaya ngayon wala na akong fear sa apoy,” sabi sa amin ni Gov. na pinagpapawisan habang kaharap namin.

Hindi raw nagpapaka-kontrobersiyal si Gov. Chavit. “Hindi naman ako tatakbo this coming election, bakit naman ako magpapa-controversial pa?”

Habang tumatawa ang aming kaharap ay sinundot namin ng tanong. At ito ay may kinalaman sa issue na kaya raw hindi magawang mag-boyfriend ni Lovi Poe ay dahil pinagbabawalan ang aktres ng dating katipan na si Ronald Singson (anak ni Gov. Chavit) na mag-boyfriend ?

“Hindi totoo iyan, hindi ganyan ang pamilya namin. Hindi… hindi mangyayari iyan,” pagdidiin pa ng aming kaharap.

Sa kabuuan ang paglakad ni Governor Chavit Singson sa baga (fire walk) ay charity work, kung saan ay nagbigay siya ng donasyon sa marami nating kababayan na nanga-ngailangan ng tulong.

More Luck
by Morly Alinio

loading...

One thought on “Derek Ramsay, nag-girlfriend pa para madaling makalimutan si Angelica Panganiban?

  1. ano ang common kina amoy lupang uhuging derek ramsay, matandang pokpok ara mina, dirty old man chavit singson at negritang social climber lovi poe? mga PUBLICITY HUNGERS! nagpapakakontrobersyal kasi may mga bagong shows, alam nila na kapag papatol sila sa mga cheap issues pag uusapan sila, gusto magpapansin kasi mga laos na. pathetic

Leave a Reply

Your email address will not be published.