Derek Ramsay, nadala kay Angelica Panganiban sa maiinit nilang eksena sa pelikula – Chit Ramos

HINDI DAPAT MAG-ALALA si Angelica Panganiban sakali mang gusto na siyang pakasalan ni Derek Ramsay after three years.

“I’ll give it to her,” ani ni Derek sa kanyang solo interview kaugnay ng pelikulang I Love You Goodbye na filmfest entry ng Star Cinema ngayong Pasko.

Tiyak na maraming babae ang iiyak kapag dumating ang araw na iyon. Hindi lang kasi “Universal Leading Man” ang titulo ni Derek ngayon, kundi “Universal Boyfriend” din ng mga babaeng nag-iilusyon na nasa lugar sila ni Angel at may titulong “Universal Comedian,” “Universal Megastar” o “Universal Movie Fan.” Ganu’n katindi ang intensity ng “Derek Fever” ngayon. It takes all kinds talaga.

“Wala ka nang mahihiling pa kay Angel,” patuloy ni Derek. “Mukhang angel na nga sa ganda, maasikaso pa. Lagi niyang tinatanong sa akin kung kumain na ako, kung pagod o ano mang nararamdaman ko kapag nagkikita kami. My parents and family also love her. Mas matagal pa nga silang nagkukuwentuhan ng mom ko kaysa akin. Kaya, hindi problema kapag isinasama ko siya sa ano mang gathering sa bahay.”

What’s keeping them from getting married at this point in time?

“Napakaganda ng career namin pareho ngayon. She’s only 23 at the moment. I’m sure, gusto niya munang i-enjoy kung ano mang mayroon kami sa showbiz. Ako rin, dahil ang ganda-ganda ng nangyayari sa career ko ngayon. Nagkaka-tulungan. Hindi puwedeng sabihin na naggagamitan kami. Mas apt sabihing nagkakatulungan.

“Itong ‘I Love You, Goodbye’ namin, sobrang ganda. Puwede kong sabihin na mas maganda ito kaysa sa ‘And I Love You So’ namin ni Bea Alonzo at Sam Milby. May kokontra siyempre, ‘yung mga hindi pa nakaka-move on sa impact na naibigay sa kanila ng roles namin doon. I just want you to try and watch ‘I Love You, Goodbye’ at kayo na ang magsasabi na tama ako!”

Hindi ipinagkaila ni Derek na marami silang hot scenes ni Angel sa pelikulang ito. “Believe nga ako kay Angel at sa katuwiran niya na kailangan gawin ang mga daring scenes na iyon. Gusto niyang maka-graduate sa mga teeny bopper roles. Gusto na niyang maging mature ang pagtingin sa kanya ng movie going public and according to her, this is the way para tanggaping mature na siya as an actress. Ang bilis nga niyang ilagay ang sarili niya sa role na ginagampanan niya. Nagugulat ako, kasi parang hindi na talaga siya si Angel kapag nasa harap na kami ng camera. Sa isang love scene namin, nahawa yata ako. Kung hindi pa sumigaw ng “cut” si Direk Laurice (Guillen), hindi pa ako titigil. Gusto kong ituloy-tuloy na,” seryoso niyang pahayag.

“Lagi akong kinakausap ni Direk Laurice. Inaalalayan niya ako dahil, bukod kay Angel, may Gabby Concepcion pa kaming kasama. Alam ko kung gaano siya kagaling as an actor. Hanga nga sa kanya ang mommy ko at crush pa siya. So, kailangang sumabay. Direk made me cry for eight hours in one scene. Hindi ko alam kung paano ko nagawa, pero ang galing ni Direk. Once more, I’d like my parents to watch this, tulad ng panonood nila ng ‘And I Love You So’ noon.

Nagbalik-tuloy sa alaala ni Derek ang isang matinding away nila ng Dad niya nang pumasok siya sa showbiz. Ayaw nila.

“Lumayas nga ako noon. I was 21 years old then at ayokong magtrabaho sa sarili naming company. Ini-spoil kasi nila ako. Hindi ko magawa ‘yung gusto kong gawin na paghirapan ang ano mang ginagawa ko.

“I lived with the family of my friend Martin Castro in Barangay Masambong for 8 to 9 months siguro. Ang dami kong natutuhan doon, tulad na lang ng pagsalita ng tamang Tagalog. At nakatulong iyon sa pag-join ko sa showbiz. Martin has also became my best friend until now.”

“Paano ako bumalik sa amin? Kumain ako ng pares-pares sa isang karinderya at nagsusuka ako. Na-food poisoning. They rushed me to a hospital dahil hindi maawat ang pagsususka ko. Dugo na nga raw ang lumalabas. When I woke up, my parents were there. And my siblings. Wala na kaming pinag-usapan pang iba. We just felt that we missed each other. ‘Yun. They were all there to support me.

“Imagine, natanggap na rin nila ang career path na pinili ko. And they are proud of me. They are going to watch the premiere night of this movie. They enjoyed watching ‘And I Love You So’ noon. I’m sure, they will love this movie, too.”

BULL Chit!
by Chit Ramos

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.