Derek Ramsay, naayos na ang gusot sa Star Cinema

Derek-RamsayMUKHANG PLANTSADO na ang gusot between Derek Ramsay and Star Cinema dahil nakita namin sa post na may picture ang actor kasama si Coleen Garcia. Partners ang dalawa sa pelikulang Friends With Benefits.

Hindi lang kami sure kung kasama pa rin sa pelikula si Sam Milby na naunang napabalitang magiging leading man ni Coleen. Nag-backout kaya siya?

Anyway, matatandaang nagkaroong ng problema si Derek sa ABS-CBN na sister company ng Star Cinema nu’ng lumipat ang actor sa TV5. Naging okey lang ang lahat nu’ng December habang nagpo-promote si Derek ng English Only, Please na MMFF movie nila ni Jennylyn Mercado.

Ang balita pa nga noon, gagawa ng action film si Derek with Direk Toto Natividad. May script na ito, pero hindi naman natuloy. Naikuwento rin noon ni Derek na may miting siya with Star Cinema but since then, wala na ulit siyang update.

Anyway, mabuti naman at ngayon, may chance na ulit makapagtrabaho si Derek sa Star Cinema. I’m sure, he’s also very excited na makabalik sa kompanya. Iba pa rin kasi siyempre kapag sa number one film production siya gumagawa ng pelikula na mas maraming tumatangkilik at sa totoo lang, iba talaga ang kalidad.

La Boka
by Leo Bukas

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.