Derek Ramsay, muntik nang makasama sa nag-crash na eroplano!

NAITSIKA NI Derek Ramsay na dapat pala ay nakasakay sila ng manager niya sa nag-crash na eroplano na Asiana Airlines sa San Francisco. Tumanggap kasi ng award si Derek sa San Francisco kasama ang manager niya at ang sinabi na sasakyan nilang eroplano ay ang Asiana na nag-crash nga sa San Francisco.

Pero nagreklamo raw ang manager ni Derek na si Jojie Dingcong at iginiit na sa Philippine Airlines sila isakay at hindi sa Asiana Airlines kaya nabago ang flight nila.

Laking pasasalamat ni Derek sa kakulitan ng manager niya dahil nailigtas sila sa malubhang sakuna.

Bukod nga pala sa TV series niyang Undercover sa TV5, sisimulan na rin ni Derek ang pelikula niya sa Viva Films na nakatakda ring ipalabas ngayon taon.

Excited na si Derek sa project na makakasama sina Cristine Reyes at Heart Evangelista.

“Viva has just submitted a wonderful script. So, they are trying to fix my schedule. Ang ganda ng script. ‘Yung story, hindi ko puwedeng sabihin. Pero nakakatakot. Talagang puwedeng mangyari. Talagang wow!”

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

7 thoughts on “Derek Ramsay, muntik nang makasama sa nag-crash na eroplano!

  1. Sa sunod dapat nasa TITANIC sila nakasakay, kaso inisip nalang ng manidyer niya na sumakay nalang sila sa RORO! RORO ROW YOUR BOAT gently down the stream….

  2. makaepal lang at may maisulat lang sa has been na to matandang to! oi laos magretire kana wala naman nanunuod sa mga shows mung basura!

  3. It’s been a week since that unfortunate crash but why are you still in the Philippines? PAL has a daily flight to SF.  Kung nag-iba  lang kayo  ng eroplano, dapat nandito na kayo ng manager mo. Niloloko mo lang yata kami.

  4. Ano ba iyan? Pati iyong bumagsak na eroplano ginagamit para umingay ang sobrang lamlam niyang career. Haaaaay.

  5. Hmmmmnn,,, Wala ng maikwentong paawa si Derek “Frankenistine” Ramsay. Ang tawag jan sa kwento mo ay PAPANSInnnnnnnnnnnn.

Leave a Reply

Your email address will not be published.