Derek Ramsay, masama ang loob sa panggigipit ng Dos

KUNG PAPANSININ, hindi hamak na mas magaganda ang mga produkto ng TV5 kumpara sa ABS-CBN at GMA. Pero nakapagtatakang ang mga magagandang show na ito, parang ipinagkikibit-balikat lang ng mga manonood, kung kaya’t karamihan sa mga programa ng TV5 ay hindi pumapalo sa rating.

Honestly, ang Enchanted Garden, Sa Hirap at Ginhawa, Sharon, Face to Face at maging ang Game ‘N Go ay ‘di hamak na nakaaaliw at masarap na panoorin. Pero bakit hindi ito masyadong napag-uusapan? Bakit sa kabila ng paghihirap ng mga nasa production, naghihingalo ang mga naggagandahang show at hindi ito makakurot man lang sa mga kalabang programa sa Dos at Siyete?

Ewan. Heto, nakatatakot isipin na ang Amazing Race ni Derek Ramsay ay dinudurog ngayon ng mga kalaban at sinasabing marami itong butas at hindi raw magandang panoorin? Teka, hindi ba napapansin ng TV5 na bago pa nila ilabas ang kanilang programa ay may naninira na? Hindi kaya iyon ang dahilan kung bakit kahit magaganda ang kanilang show ay tinatabangang manood ang viewers? Hay…

 

MASAMA ANG loob ni Derek Ramsay sa ginawa ng Channel 2 sa kanya, dahil inamin nina Anne Curtis at Andi Eigenmann na pinagbawalan sila ng Dos na banggitin ang pangalan ng actor sa pagpo-promote ng pelikulang A Secret Affair.

Ayon kay Derek, wala siyang magagawa kung iyon ang desisyon ng Channel 2. Nagsasawalang-kibo na lang ang binata dahil ayaw na niyang palakihin pa ang issue.

“Hayaan na lang natin sila, friend, kung iyon ang gusto nila. Basta ngayon, doble-kayod ang dapat kong gawin,” pakumbabang sabi ni Derek nang personal namin siyang makausap kamakailan sa MoA, Pasay City.

Sabi ni Derek, nalulungkot siya dahil parang nagmumukhang engot sa pagpo-promote sina Andi at Anne. Saan ka nga naman nakakita na ang isang pelikulang tulad ng A Secret Affair ay walang bidang lalaki?

“Magaganda at malalakas ang mga pelikulang ipinalabas nila at sana naman ay hayaan naman nila kaming panoorin din ng mga tao.”

Sa trailer pa lang ng pelikula, tiyak na panonoorin ito ng mga manood. Dahil bukod sa balik tambalan nila ito ni Anne, ang tema ng kuwento nito ay akma sa makabagong panahon ng pag-ibig. Kaya sa October 24, sabay-sabay po nating panoorin ang A Secret Affair ng Viva Films.

 

NATATANDAAN BA ninyo ang aktres na si Cherrie Madrigal? Si Cherrie ay nakilala sa pelikulang  GI Baby at sa marami pang pelikulang hubaran noong 90s.

“Ang masakit nito, Kuya Morly, ang lahat ng perang pinaghirapan namin sa pagtitinda ng mga prutas ay nawalang parang bula,” panimula ng aktres nang huli namin siyang makausap.

Ayon kay Cherrie, kusa nilang binakbak ang ipinundar na bahay dahil iyon ang gustong gawin ng Quezon City Demolition Team. “Kung hindi namin gigibain ang sarili naming bahay at sila ang gigiba, wala kaming pakikinabangan. Kaya masakit man sa loob ko eh, pinagiba ko ang bahay ko dahil tatamaan nga ng kalsada.”

Umiiyak si Cherrie nang kausapin siya ng Pinoy Parazzi. “Wish ko sana, bago mag-Pasko ay makauwi na kami sa bahay na ito. Malaki-laki pa ang kailangan ko para pambili ng pambubong at ilang kahoy para mabuo na ang aking bahay. Kaya nananawagan ako sa lahat na sana ay tulungan ako sa problema kong ito. At kung anuman ang tulong na maibibigay ninyo sa akin, labis ko pong pasasalamatan.”

Simple lang ang hiling ni Cherrie, bubong ng kanilang bahay. Ilang piraso ng yero lang iyon at sana ang kolum na ito ay maging daan upang sa darating na Pasko ay makauwi na ang pamilya ni Cherrie na na-demolish nilang bahay sa Quezon City. Kumakatok po kami sa inyong mga puso. Tulungan po natin si Cherry Madrigal dahil mabuti po siyang tao.

Sa mga nais tumulong kay Cherrie, maari po ninyo siyang puntahan sa Batasan Hills, Quezon City, malapit sa Talipapa ang kanyang bahay, o kaya naman ay tawagan o i-text n’yo siya sa number na ito – 09159809013.

More Luck
by Morly Alinio

loading...

25 thoughts on “Derek Ramsay, masama ang loob sa panggigipit ng Dos

  1. Bagamat  masasabing wrong move yung ginawa ni Derek na lumipat sa TV5, hindi naman tama na bigyan siya ng “Silent Ban” ng Dos. Pairalin ba naman ang pride ng mga ito? After all, hindi na nakakapagtataka dahil pinagtatakpan ng Dos ang tunay na pagkatao ng mga ilan sa alaga nila. 

  2. Halata naman ang writer na ito paid by tv5 at friend ni Cristyfermin. Sino may sabi sa iyo di hamak magaganda ang program ng tiv5? OMG! Kung maganda yan dapat sana nag rate na yan.. bakit ang laki ng lugi ng tv5? Kasi nga mga pinapirate nila mga laos galing sa ABS at ang
    laki ng mga talent fee nila kasi mga mukhang pera at walang utang na loob. What do you call that KARMA yan.

  3. it will take yrs pa cguro b4 mapansin ng viewers ang tv5,mahina pa talaga viewing public nla only bcoz mga hasbeen(sorry for lack of better word) na kasi ang mga artista nla, ok nora aunor yes superstar, sharon megastar but lets admit noon pa un they had thier time tapos cno naman ang mgttyaga kay gandanghari sorry but we need to be realistic iba na panahon ngayon,sa ngayon nakakalamang talaga ABSCBN, it seems like they hve it all, magagandang material,mga actors na napapanahon nasa kanila talaga ang mga mabibigat na mga artista noon at ngayon,at iba cla pgdating sa promotion sa tv at movie,at alam ng ABS kung cnong artista ang pakakawalan nla,and when they let go an artist ibig sabihin nun u dont matter anymore,ang tv 5 naman namimirata ang laki pa ng talent fee wala rn naman, look at sharon walang nangyayari sa show nya and wt derek parang tahimik din, c lorna bumalik sa 7 kasi walang maibigay na project so pano mgrrate ang mga shows nla nothing is really interesting

  4. tv5 2011 operating loss 4.1b pesos.. ngayong 2012 malamang mas higitan pa yan.. PAKTAY NA SI MANNY PANGILINAN SA SALIM FAMILY NG INDONESIA.. 

    • tama!

      mukhang pera yang si derek…
      – bakit naman sasama ang loob mo..>?
      di ba sikat ka, kayanin mo ng walang tulong ng ABS promotion…
      patunayan mo yan…
      dadrama ka pa..  gimik sa pelikula…  flop yan

  5. ang cheap na tv5 na binayaran ang isang cheap na writer para i-justify ang kanilang bonggang bonggang paglagpak sa ratings.

    face to face para sa mga squatters na viewers, sobra ang balahuraan sa show na yan..
    enchanted kingdom, hinsi marunong umarte ang bida
    sharon, hindi mo malaman kung para kaninong audience naka-cater.. ang host damatan na kung makahagikhik talo pa ang teenager, katawan naman pang wrestler..

  6. sobrang halata na isang kapatid writer itong si morly pero obvious namang dahil sa pera kaya kung makasulat na mas maganda ang mga shows ng kapatid kesa sa kapamilya at kapuso? isang kahangalan. halata namang malayong malayo ang ikinaganda ng mga shows at ratings ng kapamilya at kapuso sa naghihingalong kapatid network. andyan na nga sina dambuhalang sharon,manyakol willie at tandang ramsay na mga prize possesions dati ng kapamilya pero ano? wala pa rin, di pa rin umaangat ang kapatid. mga decades pa ang bibilangin bago matapatan ng mga no. 1 at 2 na channels ng bansa ang forever no. 3 na kapatid.

    yan ang napala ng mukhang pera at walang utang na loob na si amoy lupang derek ramsay sa nagpasikat sa kanya. look at him now, meron na palang amazing race pero ni hindi nagrerate, sayang ang mga milyones na ginastos sa flopsinang show nya. basta pera talaga, kapag mayaman ka na gusto mo pang yumaman, napakaobvious na example si guramis na ramsay.

  7. Ang mga artists nang TV 5 ay mga palaos na at mga laos na galing sa ABS CBN at mga starlets di gaanong sumikat sa GMA kaya walang audience na nanonood sa TV shows.

  8. Hoy Morli Alinio parang hindi ka totoong writer, maski anong sira pang gawin ng mga tao sa mga shows ng TV5, kung gusto itong panoorin ng madlang people, mag rate pa rin yan.  Ang daming mga shows rin ng ABS at GMA na sinisiraan rin nyo mga writers from TV5 bago pa man ito pinalabas pero naging blockbuster naman at yong kaibigan mong si Cristy sinisiraan rin nya palagi ang mga artists sa Dos at Singko pero sumisikat pa rin naman.  Yong mga sinasamba niyang mga artists sa singko e naging mga laocean deep na ang dating.  Pag ang artista ay may kilig factor pa rin at mabango pa rin, maging sikat pa rin pero ang mga artista na maski ano pang gawin nila kung wala na talagang ningning ang dating, e hindi talaga yan mag rate.  Simple as that,  anong klaseng writer ka ba?

    • Agree ako dyan!!! TV5 mas maganda ang producto? when these showbiz celebrities come from abs-cbn network naman. And by the way Derek is not a really good actor so who cares kami dito sa Los Angeles are SOLID KAPAMILYA and even ask Joey De Leon’s clan they too watch most shows sa TFC. This writer should be fired coz I think he is paid by the little TV5. PLEASE LANG, you need to write better ( more training please) and have realiable sources next time. AMEN

  9. itasura palang ng writer na to mukhang baklang palaboy sa kalye na namumulot lang ng tsismis! isang hunghang at mangmang na baklang “writer” kuno! mas hamak na magaganda daw ang gawang tv5???? MAGKANU BAYAD SAYO NG TV5??? SABAGAY ISA NGA PALA TONG ALAGAD NI LUCY PERAMIN! TARANTADO KANG WRITER KA MGA BASURA AT WALANG KA KWENTA KWENTA ANG MGA PALABAS SA TV5 KAYA WALANG NANONOOD GAGO! WALANG MGA KALIDAD AT MGA HINDI KILALA ANG MGA STARLETS NILA!!! GAGO! KAHIT ANUNG PANIRA GAWIN SA ISANG SHOW KUGN MAGANDA AT DE KALIDAD PANONOORIN NG TAO PERO KUNG MGA DA WHO AT BASURANG SHOW NA TULAD NG SA INYONG TAGA TV5 AT SHITTEEEEE WALA TALAGANG MANONOOD AT PANG BASURAHAN LANG! PWERA NA ALNG KUNG KA TANDEM NYO AGB PARA MAG NUMBER 1 DIN KAYO HUNGHANG !!!!

    AT ANUNG PINAGSASABI NI DEREK NA HAYAAN ANG TAO PANOORIN PILIKULA NILA BAKIT KALBONG HINDI PA ANNUL AT ME ANAK NA ITINAGO AT PINEPEKE ANG IDAD PARA MAGPABATA????? HAWAK BA NG ABS ANG PAGIISIP PERA AT BULSA NG TAO PARA PIGILAN NG ABS ANG TAO MANOOD NG BASURA MONG PELIKULA????

    ABS DOESNT WANT TO DO ANYTHING TO YOU KAYA YOU’RE NAME IS A TABOO AND BANNED BANGITIN KAYA WAG KA MAGPILINGERAONG KALBO KANG SIKAT KA PA DAHIL LAOS KANA GAGO!

  10. Parang mas nakabuti pa nga yung poanggigipit ng ABS dahil may issue na pinag-uusapan. In short, free publicity ng pelikula nya courtesy of  ABS-CBN.

  11. derek bweltahan mo mga abs by admitting kayo  pa rin ni angelica at wiz true ung pairing nila ni jlc gawagawa lang ito ng star magicless

  12. gma stars to abs: mother ingrata
    abs stars to tv5: laosian deep
    at kung lilipat sinuman sa abs guaranteed sisikat ng bonggang bongga…ang tanong bakit up to now di ko maramdaman sumikat sikat si jewel mishe?

    • try mo rin ask kung kamusta sa sarili mo kung asan na napunta yung karir nila claudine? jolina? patrick? at kung sino sino pang lumipat sa shitttteee mo hahahahahaah

    • At least ramdam mo si Jewel Mische kahit di sumikat. Kumusta naman sina Rachel Ann Go at Mark Bautista bukod kina Jolina, Marvin, Claudine at ang latest casualty na si Rafael Rosell? Ngayon masayang-masaya sina Angel Locsin, Toni Gonzag, Anne Curtis, Karylle, Iza Calzado, Diana Zubiri, Alfred Vargas, Billy Crawford at Paulo Avelino sa home network nila. Aw!

      • ng gogrow ang mga lumilipat s ABS.ngging mgaling clang artista like c Angel,and Jake.db nung nsa GMA d nppnsin acting ability nla tas nung npunta cla sa Dos ngka award cla..kc s GMA puro ptweetums ang alm importnte s knila ung ratings at kilig bhla n ang mga artista nla kung mrunong bng umarte o hndi..kya nga c Angel thnkful xa kc npnsin ng todo bongga acting nya ngaung nsa Dos cia eh c Marian ngka award nb heheheeh

      • teh don’t u remember me award nc Ateng Marian…?! c Odette Khan p nga ang presentor ng award nya ehh…at s pgbigay ni Odette ng award isang halik ang pinadapo nya s Pisngi ni Marian…isang MALAKAS N SAMPAL LNG NMN!!!! HAHAHAHAH

    • Mahirap pasikatin si Jewel Mische.  Marami siyang kabanuan sa pag-arte na na-pick-up noong nasa GMA pa siya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.