Derek Ramsay, maingat sa kaway ng tukso!

SOBRANG NAKAKABILIB SI Derek Ramsay, dahil maingat at maalaga siya sa pagdadala ng relasyon. Kaya nga, napakasuwerte ni Angelica Panganiban sa pagkakaroon ng boyfriend na katulad niya. Maingat ang guwapong aktor, dahil harap-harapan man siyang pinagpapantasyahan ng mga kababaihan, maginoo siyang tumatanggi sa mga panunukso. Dahil alam niyang maliit lang ang mundo ng showbiz, at kung mangyayaring matutukso siya ay malalaman din iyon ni Angelica.

Hindi naman ipokrita si Angelica para magpakaperpekto at sabihing hindi siya nagseselos sa mga kababaihang nagpapantasya at nagpaparamdam kay Derek. Maganda si Angelica, walang duda sa bagay na ‘yan. Kaya lang, maalaga talaga si Derek pagdating sa damdamin ni Angelica na baka masaktan at magselos. Kasi sa totoo lang, maraming babae na mas maganda pa kesa kay Angelica ang nagkakagusto sa hunk actor, pero laging sinisigurado ng leading man ni Vice Ganda sa pelikulang The Unkabogable Praybeyt Benjamin ng Star Cinema at Viva Films, na walang dapat pagselosan si Angelica, at naniniwala naman sa mga salita niya ang aktres.

Nakakainggit na ang nagtatagal na relasyon nina Angelica at Derek. Kasi nga, pareho naman sila na ang pangarap ay maging sila na habambuhay. Para rin kay Derek, natagpuan na niya ang babaeng may kakaibang dating ang katangian sa kanyang panlasa pagdating sa babae. Saludo si Derek sa ugali ni Angelica na pagi-ging maalaga sa kanya.

 

NAGBUNGA NA RIN ng positibong resulta ang mga panalangin at pananahimik ni Billy Joe Crawford sa naging tampuhan nila ni Kuya Germs (German Moreno). Kasi nga, nagkabati na silang talaga at nagkapatawaran sa mga naging dahilan ng kanilang hidwaan noon, na siyempre pa’y ang pinag-ugatan ay ang paglipat ni Billy sa ABS-CBN mula sa GMA-7 kung saan siya nagsimula, habang mula sa kanyang pagkabata ay naroon ang Master Showman para siya suportahan sa kanyang talent.

Nasaktan noon si Billy sa mga nakakarating sa kanya, na diumano’y wala siyang utang na loob kay Kuya Germs, dahil para na silang mag-ama. Pero habang maraming plano noon si Kuya Germs para sa singer, na mangyayari lang siyempre sa bakuran ng Siyete, ay iba nga ang nangyari.  as matimbang sa puso ni Billy na sa Kapamilya Network siya lumipat, at hindi naman siya nagkamali, dahil hindi siya nababakante sa Dos. Pumatok siya bilang TV host ng mga programa roon.

Tanggap na ni Kuya Germs na masaya na si Billy sa bakuran ng ABS-CBN. Na-appreciate din niya ang positibong ugali ni Billy, na noong panahong nagtatampo siya sa boyfriend ni Nikki Gil, hindi nagpapainterbyu ang binata para siya buweltahan. Lalo niyang napag-isip na hindi winalang-halaga ng TV host ang pagtuturingan nilang parang mag-ama.  Nu’ng birthday ce-lebration ng Master Showman sa programang Walang Tulugan, dumating si Billy, at nu’ng anniversary celebration naman ng Showtime, bumawing nag-guest doon si Kuya Germs para kay Billy.

 

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

2 thoughts on “Derek Ramsay, maingat sa kaway ng tukso!

Leave a Reply

Your email address will not be published.