Stars Candid: Derek Ramsay, mahilig mang-chicks!

Kung kani-kaninong girls na-lilink si Derek Ramsay ngayon. Girlfriend niya nga ang seksing seksing aktres na si Angelica Panganiban ngayon, naging asawa naman niya si Maricel Soriano! Wait, mga kaparazzi, hindi sila kinasal ng Diamond Star sa totoong buhay kundi gumanap na husband ni Maricel Soriano itong si Derek sa horror box-office movie hit na T2. Nitong Abril, nakigulo naman si Derek sa kasal ni Zanjoe Marudo at Anne Curtis sa teleseryeng The Wedding, na malapit nang ikasal. Hindi pa nakuntento rito si Derek dahil nakapares naman niya ang isa sa may pinakamagagandang mukha sa balat ng Showbiz – si Kristine Hermosa! Katambal naman niya si Tintin ngayon sa umaaribang Komiks Presents Mars Ravelo’s Nasaan Ka Maruja?

May chikang papagitna siya sa couple na bagong kasal na sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, dahil makakatambal niya ulit si Judy Ann sa teleseryeng Habang May Buhay. At malapit na ring magsimula ang taping ng kasunod na installment ng Precious Hearts Romances series na Ang Lalaking Nagmahal Sa Akin. Makakapareho niya naman rito ang long-time girlfriend ni Direk Paul Soriano na si Toni Gonzaga.

Aba, aba, Derek! Hindi ka pa nakuntento sa kaseksihan ni Angelica Panganiban at kung sinu-sino ang mga chinuchuva mo, ha?! Kanino kaya pinakanababagay si Derek sa mga leading ladies niya?

Stars Candid
by Faith Salazar,
Photos by Fernan Sucalit, Allan F. Sancon, Parazzi Wires

Click to enlarge.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.