Derek Ramsay, kapatid na!

HABANG SINUSULAT namin ang kolum na ito, umaga nang Martes, April 10, ay naghahanda naman kami para sa coverage namin sa Juicy sa contract signing sa TV5 ni Derek Ramsay. Kung walang naging aberya, ganap na 4:30 ng hapon, ay opisyal nang Kapatid star ang pinakasikat na leading man sa ngayon.

Sa susunod naming kolum ay idi-detalye namin ang nangyari sa pagpirma ng kontrata ni Derek at kung ano ang unang show na gagawin niya sa Singko. Pero dinig namin, una niyang gagawin ay ang ‘The Amazing Race Philippines’ kung saan bagay na bagay kay Papa Derek ang konsepto.

Welcome, Kapatid!!!

 

EKSKLUSIBONG NAKAPANAYAM ng Paparazzi Showbiz Exposed si Dr. Vicki Belo sa opening pa rin ng Mango Tree Restaurant sa The Fort.

Ito marahil ang kauna-unahang interview na pinagbigyan ni Dra. Vicki matapos ang kontro-bersiya na pumutok tungkol sa kanilang hiwalayan ni Hayden Kho, may dalawang buwan na ang nakalipas.

Unang dumating sa naturang event si Hayden Kho. Matapos ang mga isa’t kalahating oras, dumating naman si Dra. Belo kasama ang anak na si Cristalle Henares at boyfriend nitong miyembro ng Azkals na si Jason Sabio.

Parehong kaibigan ni Hayden at Vicki ang may-ari ng nasabing restaurant na nagmamay-ari rin ng clothing line na Maldita, kung saan isa sa mga endorsers ay ang pamosong ex-boyfriend ni Vicki.

Kumusta na ba ang doktora matapos ang kontrobersiya? “I’m better now… better, better now. Nakaka-recover na rin kahit papaano. Pero nandito siya… nakita mo? So, ngayon lang kami nagkita. Okay na kami.”

Nang dumating si Vicki sa venue, agad na lumapit si Hayden at bumeso ito sa dating kasintahan. Matapos nito, muling lumayo si Hayden at si Vicki naman ay nakipagkuwentuhan sa maraming kaibigan na imbitado rin sa naturang resto opening.

Second time na raw nila itong pagkikita, una na rito ang may kinalaman sa Belo Medical group, kung saan nagtatrabaho si Hayden bilang in-charge sa ilang mga serbisyo ng clinic.

Kuwento pa ni Vicki, itinuon niya ang kanyang oras noong kasagsagan ng kontro-bersiya sa pag-aaral sa ibang bansa ng mga bagong teknolohiya pagdating sa pagpapaganda upang makalimutan niya ang mga problemang dinadala.

Aniya, “Lagi akong umaalis, hindi ako nagbabakasyon, nag-aaral ako or business because that’s the way I get over heartbreaks, eh. Kasi rito masyadong maraming memories, kahit saan ako tumingin. Pero pagdating doon, medyo bagong environment, so nakaka-relax ako.”

Bakit nga ba nananihimik si Dra. Vicki noong kainitan ng isyu? “Kasi out of respect, feeling ko ayokong magsalita… I mean seven years din kaming nagsama, so ang gusto ko lang din talaga ‘yung… and in fairness naman to Hayden hindi naman siya nagsalita, parang ang pangit nu’ng nag-aaway kami kapag depress, so I thought it’s better we keep quiet.”

Inisa-isa ring binigyang linaw ni Dra. Vicki ang tungkol sa mga taong nasasangkot sa kontrobersiya. Una na nga rito ang kanyang yoga instructor na si Al Galang. “Si Hayden, nag-issue ng Al Galang. Alam naman ni Hayden na walang isyu roon, kaya lang medyo nakita niya ‘yung sulat dati, kaya gusto lang niyang ipakita. Binawi rin naman niya, inamin din naman niya na alam niyang wala.”

Pangalawa ay ang model na si Edward Mendez. “Edward and I are super close… we were close for so long before Hayden pa. So maraming nag-aano, kasi guwapo siya bata siya… mukhang ‘pag guwapo at bata, ako na ‘yun.”

Kasunod niyang nilinaw ang tungkol kay Nancy Castiglione at Hayden Kho. Siya kasi ang naglabas sa twitter ng diumano ay ugnayan ng dating boyfriend at ni Nancy. “Ang tahimik na ano, hahaha! Well I don’t know. Tanungin mo si Hayden, nandiyan siya. No comment na lang ako doon para ano… alam naman nila kung ano talaga, ‘di ba? Basta ako, alam ko kung ano ang totoo for me.”

Sa ngayon daw, tahimik na ang kalooban niya. “Basta alam mo lang na kung saan ka and alam ko na hanggang doon na lang ako.”

May panghihinayang bang nararamdaman si Dra. Vicki? “Of course, nami-miss ko siya. But you have to choose kung sobra na ‘yung sakit, aalis ka na lang.”

Sa huli, inamin ni Vicki na moving on at hindi pa raw siya masyadong masaya.

“Hindi pa, pero magiging happy, I believe by the end of the year.”

 
Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

11 thoughts on “Derek Ramsay, kapatid na!

  1. Sabi ni Derek hindi daw pera ang dahilan niya sa paglipat sa TV 5?

    Eh ano ang dahilan?  Para mag-improve siya?  Eh ano ang i-i-improve niya sa TV 5 eh ang susuwangit ng mga programa nila?  Puro bakya ang teleserye nila.

    So pera talaga ang dahilan, period!  Wala namang masama kung pera nga ang dahilan dahil nagta-trabaho lang naman siya.  Pero huwag na niya paglolokohin pa ang mga tao na hindi kuno pera ang dahilan at career growth kuno ang dahilan, dahil wala pang artista na lumipat sa TV 5, galing man sa ABS-CBN or GMA, ang naka-experience ng growth.  Just look at the likes of Lorna Tolentino, JC de Vera, Tonton Guttierez …. lahat sila lumioat sa TV 5 dahil sa pera pero naglaho silang lahat parang bula.

  2. Puwede siguro magsama si Shawie at Derek sa isang teleserye.  Pareho na naman silang matanda, di ba?  Di ba pustiso na nga ang ngipin ni Derek?  Bungal na siya sa katandaan.

  3. Hindi naman bagay si Nora A. & Sharon C kay Direck eh. Ano ang magiging papel ni Direck sa soap? Mga Nanay at Lola? he.. he.. he..

  4. Its all about money para kay Derek, matanda na kasi sya. and alam niya less 10 years hindi na sya click dahil mas maraming bata at magagaling na actor ang papalit sa kanya. pero outcome talagang pera ang pinili ni Derek kesa career. bye bye na sa career niya.

  5. ang tandang derek ramsay ay laos na! laos laos laos! for sure pagkatapos ng amazing race mo hindi ka na mapapanood sa tv! kung kailan kasi nagkapangalan dun naman umalis kung di ba naman mukhang pera! aminin man o hindi, yun naman talaga eh! sinasabing dahil maganda ang proyekto? talaga? maganda nga ang amazing race pero sure ka bang may mga manonood? tignan mo nga yung biggest show on earth, matagal na pala yun, pero hindi naman alam ng mga tao dahil wala nga nanonood! tapos sasabihin ng mga fans mo, hindi nya kailangan ng pera? oh c’mon! pera pera lang yan! unti unti ka nang malalaos tandang ramsay! malaki nga naman ang 600million na talent fee pero kapalit laos! good luck sayo ingratang tandang ramsay!

  6. wagas.. goodluck sayo!
    kung dati anne curtis ang kapartner mo, ngayun ALex Gonzaga na lng yan!!!!!!! hahahaha. loser

  7. BUTI PA IDOLLLLLLLL KONG MARIAN NA MAGANDA,SEXY,MAPAGBIGAY,MABAIT,MATALINO,DYOSA PA NG KAGANDAHAN AT SOBRANG TALINO PSYCHOLOGY OHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA                             ACHECHECHECHECHECHECHECHECHECHECHECHECHERRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRR OHAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA

  8. nag-uumpisa pa lang ay bigla ng malalaos si derek!!! di na ba niya naisip na lahat ng lumipat sa tv5 ay nalaos. wala naman kasing nanonood sa istasyon na yan.may pera nga siya wala naman career!!!!

  9. tama lang ang ginawa ni derek kasi bihira siyang makita sa tv kaya lumipat ang dami pating apektado gaya ng mga solid na kapamilya hayyy..sana pakainin sila ng taga abs man lang…hahahahaaha

Leave a Reply

Your email address will not be published.