Derek Ramsay, kaibigan lang si Kris Aquino

Derek-RamsayONCE AND for all, nilinaw ni Derek Ramsay na magkaibigan lang sila ni Kris Aquino at kahit ang mga parents daw niya ay kaibigan din si Kris. Obvious naman, dahil kelan nga lang ay inamin na ni Kris na “dating” sila ni Herbert Bautista.

Pero kaya naman humarap si Derek sa mga reporter ay dahil in-announce ng mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde na pumirma na ng non-exclusive contract sa Regal Films si Derek for 2 movies. So that makes him a Regal baby na.

Unang gagawin ni Derek sa Regal pagkatapos ng Trophy Wife sa Viva Films ay ‘yung tambalan nila ni Marian Rivera na sana nga ay “makaiskor” na si Marian sa box-office, dahil wala pa itong matatawag na blockbuster hit movie.

Maybe with Derek as her leading man ay baka makabawi na si Marian.

Tinanong din kung posibleng gumawa rin sila ni Kris Aquino at oo naman si Derek. Kahit naman si Mother Lily, ang sabi, puwede ring pag-usapan, dahil anak-anakan naman daw niya si Tetay at puwedeng mag-co-prod with Star Cinema.

Samantala, inamin ni Derek na meron na siyang girlfriend, pero sa kanya na lang daw ‘yon at ayaw na niyang kaladkarin pa sa showbiz.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.