Derek Ramsay & Jennylyn Mercado Love Never Felt Sooo Good!

Jennylyn-Meracdo-Derek-RamsayDEREK RAMSAY
Real Name: Derek Arthur Ramsay
Birthdate: December 7, 1979
Zodiac Sign: Sagittarius
Symbol: The Archer
Ruling Planet: Jupiter
Quality: Mutable
Element: Fire
Basic Trait: I Perceive

JENNYLYN MERCADO
Real Name: Jennylyn Vergara Mercado
Birth Date: May 15, 1987
Zodiac Sign: Taurus
Symbol: The Bull
Ruling Planet: Venus
Quality: Fixed
Element: Earth
Basic Trait: I Have

IT IS refreshing to witness the first project of Derek Ramsay and Jennylyn Mercado as a tandem in the MMFF entry English Only, Please. Sa katunayan nga, hindi talaga sila ang original choices as leads. Buti na lang at sa kanila napunta ang proyektong ito dahil nabigyan nila ng justice. Hindi ba’t nanalo pa nga sila ng Best Actor at Best Actress awards?

Si Derek ay Hari ng TV5 habang si Jennylyn naman ay isa sa pinaka-importanteng talent ng GMA 7. Magkaiba man ang kanilang pinagsisilbihang istasyon, marami silang similarities. Una, pareho silang single parents to cute kids. Pangalawa, pareho silang active sa sports. Third? They’re both hot!

Given the similarities, we can’t help but wonder – bakit nga ba hindi na lang maging kayo, aber?! Ask natin ang stars!

Kung gaano karami ang pagkakapareho sa ugali ng Sagittarius at Taurus, ganu’n din naman ang pagkakasalungat nito. Gustung-gusto ng Archer na makihalubilo at maki-party sa mga madlang pipol, habang ang Toro ay mas gustong tumambay sa bahay at magbasa na lamang ng libro o mag-Internet. Madaling mabo-bore ang Sagittarius sa relasyon, habang madalas na mababagabag ang Taurus sa madalas na paglayas ng kasintahan.

Mabibigyan ng bonggang chance ang pagsasamang ito kung magkukusa ang magkabilang-panig na intindihin ang pangangailangan at interes ng isa’t isa. Kailangang magbigay ng space ang Taurus at kailangan din namang bawas-bawasan ng Sagittarius ang masyadong paglalabas. Ang pagiging ‘happy-go-lucky’ ng Saggitarius ay maaaring mabalanse ng mas praktikal na Taurus. Sa pamamagitan ng sistemang ito, maaaring tumagal ang relasyon ng dalawa. Understand your partner and don’t try to change them!

Initially, maaakit ang babaeng Toro sa pagiging outgoing ng lalaking Archer. Makikita niya kasi sa potential lover ang mga bagay na gusto niyang gawin, pero natural ang pagiging reserved ng kanyang karakter. Opposites attract nga, ‘di ba? Kalauna’y ang pagiging natural flirt ng Sagittarius ay magpapa-praning sa Taurus. Okay ang relasyong ito kung short-term ang pag-uusapan. Kung long-term ang pinapangarap, kailangan ng mega-effort!

Both Derek and Jennylyn had controversial love affairs in the past. Why not make the present not just an award-winning one, but a romantic one? Naks. Oo na, kayo na ang bagay! Kayo na! Pakasal na kayo!

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.