Derek Ramsay, inaming sila na ni Cristine Reyes!

KINUMPIRMA SA amin ni Derek Ramsay na sila na ngang dalawa sa ngayon ni Cristine Reyes at nagkaroon lang ng pormalidad ang lahat nu’ng nakaraang Martes.

Ngayon naging klaro na sa amin kung bakit sa mga naging sagot ni Cristine sa nakaraang presscon ng Bukas Na Lang Kita Mamahalin, nabanggit nitong paulit-ulit ang pangalan ni Derek. Kahit walang kumpirmasyon sa kung ano ang totoong relasyon nila, nagbigay na rin ng senyales si Cristine na may espesyal na namamagitan sa kanila.

Ngayong inamin na ng hunk actor ang relasyon nila, tiyak na diretsahan nang makapagsasalita sa ngayon si Cristine kung ano ba talaga sila ni Derek.

Ayon nga sa aktor, walang katotohanan ang mga naglalabasang balita sa kanila ni Cristine noon, kung saan siya pa ang naiturong rason ng break-up nina AA at Rayver Cruz, ang pagbibigay-kulay sa mga paglabas-labas nila. Ayaw na lang magbigay muna ng detalye sa amin ni Derek, pero paulit-ulit ang sinabi nito sa amin na masaya siya.

Masayang nagkuwento sa amin ang hunk actor na kahit siya ay ‘di niya inaasahan na mai-in love talaga siya kay Cristine. Pero ang ikinaganda sa relasyon nila, magkaibigan silang dalawa at malalim ang pundasyon ng kanilang relasyon.

Rayver Cruz, oks lang sa relasyong Derek-Cristine

   

SA PRESSCON ng Bukas Na Lang Kita Mamahalin, hiningan din namin ng reaksyon si Rayver kung totoo ba na si Derek Ramsay raw ang third party sa hiwalayan nila ni Cristine ilang buwan na ang nakararaan.

Ayon sa aktor, walang third party sa paghihiwalay nila ng ex-girlfriend. Dahil kung mayroon ay ‘di sila magiging magkaibigan at ‘di sila magpapansinan ni Cristine.

Ikinuwento rin na naging kaibigan niya ang aktor at minsan nga ay tumatambay pa sila sa bahay nina Derek at Angelica, at kung magkakaroon man ng relasyon ang dalawa ay wala siyang nakikitang problema dahil mabait na tao si Derek at alam niyang maaalagaan ng aktor ang ex-girlfriend.

Walang problema sa kanila ni Cristine sa set ng Bukas Na Lang kita Mamahalin, kung saan ka-love triangle siya nina Cristine at Gerald Anderson. Ipinagpapasalamat ni Rayver na napanatili nila ng ex-girlfriend ang kanilang pagkakaibigan at pagiging kumportable sa isa’t isa kaya walang naging ilangan sa kanilang dalawa of and on cam.

Sa ngayon, zero pa rin ang lovelife ni Rayver, kung saan matagal na pala silang ‘di nagkakausap ni Aimee Hart na minsang na-link sa kanya. Para kay Rayver, ine-enjoy niya muna ang pagiging single at gusto niyang magpokus sa kanyang trabaho at sa kanyang sarili.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

6 thoughts on “Derek Ramsay, inaming sila na ni Cristine Reyes!

  1. trulli kya yan bka nman dinadivert lang ang isue pra pgtakpan 2nay na karelasyon ni madyonding CR kc diba ang dyowa daw ngaun nyan eung gym instructor namy asawat anak nadaw tpos sumasidleline padaw za k bansot na dennis.. so ano pinagsasabay -sabay clang 3 ni DYONDI gnun?

  2. MAGTATAKA PA BA, E ANG LANDI NG CRISTINE NA YAN. TAGLIBOG NAMAN SI DEREK KAYA PINATULAN. ROUND ROBIN LANG YAN NG MGA MAKAKATING ARTISTA.

  3. Katangahan nyan Rayver nung kayo pa at sama2 kayo apat me pagtingin n c Christine dyan ke Derek kya lagi nya kasama kunwari kaibigan lng so ngaun ayan sila na…..

Leave a Reply

Your email address will not be published.