Derek Ramsay, hinding-hindi raw mauuwi sa sex ang muling pagtatagpo sa mga ex-GF

Derek-RamsayTEMA TUNGKOL sa pagmu-move-on ng magkarelasyon ang kuwento ng bagong pelikula ng Star Cinema and Viva Films na Ex With Benefits, kung saan bida si Coleen Garcia with Derek Ramsay as her leading man.

Yes, it’s not just about moving-on to the next level bukod sa tema na ang benepisyo na makukuha natin sa mga ex-boyfriend or ex-girlfriend natin ‘pag nagkataon na ma-encounter natin silang muli.

Kaya nga nang tanungin si Derek kung keri na niyang harapin si Angelica Panganiban (na naging GF niya bago pumasok si John Lloyd Cruz), “Sana one day, we can talk like this and let bygones be bygones,” simpleng sagot niya sa tanong.

Hindi pa raw sila nagtatagpo ng aktres mula nang mag-break sila. Pero pagmamalaki nito na oks sila ng mga ex niya like Sollen Huessaff, Cristine Reyes, at ang ina ng anak niyang si Mary Christine Jolly na umabot pa sa demandahan.

Pangarap nga ni Derek na sana’y lahat ng mga ex niya ay mga kabigan niya na hindi man tinutukoy kung sino, reading between the lines, si Angelica ang tinutukoy niya.

Pahabol ni Derek tungkol sa usaping ex-girlfriends, “It’s a big no no,” na mauuwi sa “sex” ang muling pagtatagpo nila ng kanyang nakarelasyon dahil naniniwala siya na makasisira ito sa kung ano mang friendship meron sila after ng hiwalayan.

Ang pelikula sa direksyon ng bagets na si Gino Santos ay palabas na sa September 2.

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleMegan Young, naiyak sa sorpresa ni Marian Rivera
Next articleXian Lim, defensive sa role na playboy

No posts to display