Derek Ramsay, hindi magawang paangatin ng Singko ang career

KAWAWA NAMAN si Derek Ramsay. Ang ganda na ng position niya sa ABS-CBN bilang isang promising hot property ng Kapamilya Network nang maisipan nitong maglipat-bahay sa Kapatid Network.

Hayun, halos lahat yata ng mga show niya sa TV5, semplang. Walang nagtatagal sa ere.

Tulad na lang halimbawa sa London Olympics na kung hindi ako nakakamali, launching project niya bilang Kapatid star.

Kaso, sa dami ng mga isyu sa Pilipinas, deadma ang mga Pinoy sa mga kaganapan sa nakaraang Olympics.

Now, inaakala na puwedeng umariba ang karir niya sa TV5 mula nang lumipat siya, ang The Amazing Race Philippines na inaasahang magbababagon sa karir ng aktor ay wala ring nagawa.

Imbis humaba-haba pa ang palabas, short-cut ang kinauwian ng reality show.

Hindi pa man nararamdaman na may The Amazing Race Philippines na hinu-host si Derek, pinaikli na lang ng Kapatid Network management ang show para hindi masyadong mabigat sa bulsa, lalo pa’t hindi ito humahakot ng mga advertisers at kung meron man, mga kumpanya din ni MVP na umiikot lang ang pera o puhunan sa iba’t ibang mga negosyo niya.

Sayang, promising naman si Derek at nauwi lang sa wala ang pinaghirapan ng mga Kapamilya Network’s “think thank” para mabuo ang career niya at magka-interest ang publiko sa kanya.

Last Saturday while nag-TV surfing ako, ipinalabas ang teaser ng bagong pantasya-serye ng TV5, kung saan bida ang aktor. Ang serye na may pamagat na Kidlat na sa titulo pa lang, luma na. Sa konsepto pa lang, gasgas na’t may magkaka-interest pa ba?

 

DAHIL CHEF at eksperto sa pagluluto, nagpaplano na si Judy Ann Santos kung ano ang ihahain niya sa Noche Buena. Pagmamalaki niya na magluluto siya ng Lechon ala Juday sa Bisperas ng Pasko.

Kapag Cristmas kasi, more of a family day ang okasyon para sa aktres dahil silang mag-anak ang magkakasama.

Sa December 24 pa lang ng umaga, nagsisimula na siyang maghanda right after breakfast. Gusto niya, special menu palagi ang inihahain niya at kapag 25th, doon nila binubuksan ang lahat ng mga regalo sa kanya.

Nakaugalian din ni Juday na kapag may film entry siya sa MMFF, pinapanood nila ni Ryan ang pelikula niya. “Mas gusto kong manood sa sinehan para marinig ko reaksyon ng mga tao at mga comment nila,” kuwento niya sa grand launch ng pelikulang Si Agimat, Si Ententeng Kabisote at Si Ako with Bong Revilla and Bossing Vic Sotto.

Actually, during shooting ng pelikula, hindi lang pagkaartista ang dala-dala ni Juday sa set kundi pati ang pagiging chef niya. Palagi siyang may bitbit na pagkain para sa cast. Kuwento nga ng co-star niyang si Jose Manalo, “Sarap ng pagkain na lagi niyang dala.”

Hopefully, darating ang panahon na maisipan ni Juday ang mag-open ng restaurant business para matikman ng publiko ang recipe niya.

 

ITONG KAPASKUHAN, happy si Aiza Seguerra. “Ok na ako,” sabi niya sa amin.

Happy kasi siya dahil in love siya at aminado siya na kahit hindi niya binabanggit kung sino. “Ang important ay masaya at healthy ang pamilya ko at okey siya.”

Sa mga showbiz celebrity natin, si Aiza marahil ang maituturing natin na very visible sa lahat. Itong 2012, super busy siya. Ramdam na ramdam ang presence niya sa telebisyon, sa concert scenes, lalo pa’t on her 25th year sa showbiz, successful ang concert niya sa Araneta. Bukod sa mga sunud-sunod na “panalo”, may pelikula siya with Bossing Vic Sotto sa darating na Disyembre 25. Si Bossing parang tatay na ni Aiza. Remember Little Miss Philippines sa EB noon?

Kung hindi ako nagkakamali 3rd of a series na itong Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako for this year at palagi, ka-join si Aiza at favourite siya ni Bossing.

Actually, si Aiza, hindi lang pang-showbiz. Street parliament din siya sa mga hindi nakakaalam. Sa malaking rally na ginawa sa harap ng Kongreso last week ng mga Pro-RH Bill at Anti-RH Bill, nag-perform siya nang libre for the Pro-RH Bill.

Pagmamalaki niya, “Nagmana yata ako sa Nanay ko. Basta may isyu para sa kapakanan ng pangkalahatan, ‘andu’n siya,” pagmamalaki ng singer sa amin.

Bukod sa RH Bill, advocate din si Aiza para sa karapatan ng mga bata at mga kababaihan, lalo na tungkol sa isyung kalikasan na siyang tema rin ng pelikula niya with Sen. Bong, Bossing at Juday.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

13 thoughts on “Derek Ramsay, hindi magawang paangatin ng Singko ang career

  1. lesson na yan sa mga artista na akala nla mas sisikat cla pg lumipat, eh depende naman sa lilipatan yan eh, kung sisinghapsinghap ang istasyon at walang viewing public ay mag sspagheti nga ang career mo, so ano pa magagawa mo nakalipat ka na kaya magdusa ka na walang nanonood sa iyo enjoy mo na lng TF mo kasi un naman talaga ang dahilan kaya ka lumipat, admit it or not,kung c willie nga sadsad ang ratings kaya asan na ang yabang, tingnan ko lng tong c derek at ung show nya tatapatan ni coco yan at sa GMA c bong revilla naman so watch na lng natin kung ganu katagal show ni derek, show ni sharon wala dn, parang nahihiya yata clang tigokin

    • TOTALLY AGREE!!! BEcarefull with your careers mga ARTISTA who thinks Talent Fee is the most important thing in their world!!!

  2. hindi naman tinigbak ang mga shows na yan kundi talagang me timeframe lang yan, yung olympics ilang linggo lang naman talaga yun ah.yung amazing race me number of legs lang din. walang kinalaman ang rating sa pagkatigil ng mga shows kundi talagang tapos na lang yung cycle, ang bobo naman ng writer na to. alangan naman di na matapos olympics at amazing race. tanga!

    • ikaw ang tanga BAKLUSH!!! d nmn bsta n lng iko-cover ang isang event kung ang interest mo lng ay mapanood ito ng public….this is business at bawat business eh dpat me profit n katumbas, kya nga c Derek ang pinaghost nila coz they’d think he ‘d be a great help to attract viewers pra manood eh kso ni advertisers d pumatol alam mo nmn n ang buhay ng TV eh s advertisers pra me income n papasok kung wala din nmn advertisement eh patay ang business mo kya ikaw BAKLUSH sna TUBUAN K NG UTAK!!!

    • At un amazing Race n yn kung me sapat n advertisers yan eh pde p ma-stretch out yan to prolong pa un airing on TV kso lugi s air time at malaki mxado un budget so u need to cut it short na kesa lumaki pa un pagkalugi imagine 2M ang grand prize nyan ++ pa sa consolation prizes or watever…kelan b inere un Amazing Race at kelan din ngtapos? Oct29 – dec 15 lng pla…35 episodes lng! eh s PBB4 269 episodes, un Junior master chef eh 46 episodes kc every sart & sun lng ito from Aug 20 – Feb 18….6 months bale. The biggest loser eh 5months inabot s ere un kc me mga advertisers na syang buhay ng business eh kung wala din advertisers un mga nabanggit ko eh matagal n din jan ang 2 months…ANG ADVERTISERS ANG BUHAY NG TV!!!!

  3. sabi ni derek, friend daw kasi niya si mvp kaya hindi niya matanggihan ang offer … ansabe???? … kaloka siya! … hindi pa aminin na super “taas” ang offer sa kanya ng tv5 kaya nagpaka-mukhang pera siya at kinalimutan ang ginawa sa kanya ng abs-cbn na pagbi-build up para maging big star siya! … ngayon nasan siya? … karma! … eh kung talagang friend niya si mvp, bakit hindi siya tinulungan when he was started para magkaroon ng career? tapos noong nakikilala na siya e susulutin ni mvp? and that is what you called friend? … kaloka! … hindi na talaga mapipigilan ang pagbulusok ni derek “pababa” instead of “lalong pataas?”

  4. Kawawa naman. Ang ABS CBN kasi may JLC, Piolo, Jericho, Coco Martin, Gerald Anderson, Diether Ocapo. Lahat ng mga ito talagang magaling umarte.

    Mga rising stars ng ABS: Daniel Padilla, Enrique Gil, Paulo Avenido, Zanjoe Marudo, many more. Sa tingin ko nga mas lamang pa si Zanjoe sa iyo kung talent lang talaga ng pag arte and pag uusapan.

  5. isa si derek ramsay sa mga dahilan kaya nalugi ang tv5 ng tumataginting na 2.8b pesos sa first half ng 2012.  ang luging ito ay maaring maging 4-4.5b pesos pagkatapos ng taon. napakalaking pagkakamali ang ginawa ni mvp na kunin ang mga katulad ni aga, willie, sharon, derek atbp. galing sa dos. ang akala ni manny ang mga ito ang nagdadala sa tv station, ang kabaligtaran ang katotohanan. ang station ang nagdadala sa karir ng mga ito. ng lumipat sila nawalan na rin ng karir. goodluck na lang kay manny. ilang taon na lang magtatago na ang tv5 sa likod ng bankruptcy law.

    mukhang marami naman ang ads sa tv5? ito ang katotohanan, BUY 1 SLOT TAKE 5 FOR FREE.. 

    •  tama haha luging lugi talaga ngaun ang tv 5 yan ang karma ni MVP Super taas at abot langit
      ang mga tf nila willie hambog,sharon baboy taba,derek, etc… malamang kung magpa tuloy ang lugi ni MBV Til next malamang magsara na ang tv 5

  6. Illusion of grandeur naman kasi ni MVP na gawing ala GMA o ABS ang TV5. Ang maganda lang dito malaki daw ang sweldo ng mga rank and file.

Leave a Reply

Your email address will not be published.