Derek Ramsay, handang hiwalayan ni Angelica Panganiban!

INAMIN NI Zoren Legaspi na tatlong sabay-sabay na offer ang natanggap ni Carmina Villaroel. Ang panibagong kontrata sa Channel 7 at ang nakakalokang offer ng TV5, pero mas pinili raw ng kanyang may bahay ang Channel 2.

“Actually, sabi ko nga sa kanya bakit hindi na lang TV5 para mas bongga ang kita. Hahaha! Nagbiro ba ako. Sabi niya sa akin, seryoso mas type daw niya kasi ‘yung mga project na gagawin niya sa Dos. Kaya hayun, pumirma siya ng 2 years contract sa Dos. Magkaiba kami ng mother studio,” at binirahan uli ng tawa ng aming kausap.

Ayon kay Zoren, wala namang problema sa kanila ni Carmina kung saan man silang station. Ang mahalaga raw ay ang kanilang relasyon bilang mag-asawa. “Nagkakaroon din kami ng tampuhan kung minsan, pero bibihirang mangyari iyon. Kasi almost perfect talaga kami nu’n sa isa’t isa.”

Pareho kasing masiyahin, kalog at down to earth sina Carmina at Zoren. “Siguro isa ‘yun sa malaking factor kung bakit ever since ay hindi n’yo nabalitaang nag-away kami. Kasi nga bukod sa mahal namin ang isa’t isa, may respeto kami sa lahat ng mga bagay na ginagawa namin,” sabi pa ni Zoren sa Pinoy Parazzi.

Isa sa staff ng Paparazzi ang nabulong sa amin na ito raw si Zoren ay masyadong hot pagdating sa issue. Mas gusto ng aktor na pinag-uusapan talaga ang lahat ng mga binabato niyang balita. “At ‘yun ang maganda kay Zoren. Hindi siya ‘yung artista na natatakot magbalita kasi pinoproteksiyunan niya ang pagiging artista niya. Si Zoren kapag umupo na iyan sa Paparazzi, talagang showbiz host ‘yan.”

Bulong nga sa amin ng isang taga-Paparazzi. Maraming isyung alam si Zoren na iniiwasan lang ibulgar ng mga taga-Paparazzi dahil talagang kung hindi away ay demanda ang aabutin ng nasabing show at ito ang dahilan kung bakit mas tinututukan ngayon ang nasabing problemang ang hatid ay maiinit at kontrobersiyal na balita na mapapanood tuwing Linggo sa ganap na ala-una ng hapon.

 

NAGKUWENTO SA akin si Derek Ramsay na pinagbantaan na siya ni Angelica Panganiban na kung hindi ito titigil sa paglalaro ng frisbee ay makikipag-break na ang aktres.

Ayon kay Derek, seryoso raw si Angelica nang pagbantaan siya na labis niyang ikinabigla. “Hindi ko nga alam kung ano ang gagawin ko, kasi by February may laro kami ng team,” sabi ng aktor sa amin.

Ayon kay Derek, mahal niya si Angelica pero mahal din niya ang kanyang sport, “Bahala na, siguro hindi naman tototohanin ni Angel ang banta niya sa akin. Siguro naman ay maiintindihan niya ako,” Sabi pa uli sa amin ng binata na balitang may malaking offer sa TV5.

Usap-usapang nakatakdang bigyan ng isang malaking project si Derek sa TV5 na ang dating ng nasabing show ay parang Ama-zing Race. Pero ang problema ay mukhang walang balak na bitiwan siya ng Dos dahil may project ito with Bea Alonzo, bukod pa sa pelikulang nakatakda niyang gawin sa Star Cinema. “Sa ngayon mahirap magsalita tungkol sa mga bagay na iyan.”

Honestly, naiipit ngayon si Derek. Kaibigan niya si Manny Pangilinan ng TV5, pero malaki naman ang respeto niya at tumatanaw siya ng malaking utang na loob sa Dos. Pero kung anuman ang magiging desisyon ng aktor ngayong buwan ng January, iyon ang ating abangan. Tsuk!

 

“BAKIT KO naman gagawing cheap ang sarili ko? Bakit naman ako gigimik? Kung nililigawan ako ni Marvic (Vic Sotto), siya na lang ang tanungin n’yo. Basta hindi ako gumagawa ng eksena para lang pag-usapan. “Tuluy-tuloy na sabi iyon ni Niña Jose nang makausap namin.

Ayon kay Niña, kaya raw niya sinabing handa niyang sabunutan si Pauleen Luna ay dahil sa tanong ng isang reporter. “May nagtanong kasi sa akin what if daw at nagsalubong kami ng landas ni Pauleen ano ang gagawin ko. Sabi ko kung ano ang gagawin niya sa akin, gagawin ko rin sa kanya. So kung sasaktan niya ako, ‘di go. Bakit naman hindi ako lalaban kung sakali, ‘di ba?”

Sabi ni Niña hindi raw siya nagseselos kay Pauleen kung totoong girlfriend ito ni Boss Vic. “Basta ang masasabi ko lang kung talagang sila na, eh ‘di masaya ako,” sarcastic ang tono ng aktres.

More Luck
by Morly Alinio

Related Post

loading...

10 thoughts on “Derek Ramsay, handang hiwalayan ni Angelica Panganiban!

  1. C NINA JOSE AT ANGELICA PANAGANIBAN PAREHONG PUTA NA LAGLAG ANG MGA SUSO. HINDI NA KO MAGTATAKA KUNG PATI PISNGI NG MGA PWERTA NILA LASOG LASOG NA RIN SA DAMI NG BURAT NA NAKAPASOK AT BAKA PATI BAYAG MAKAPASOK NA RIN SA SOBRANG LUWANG NG MGA BUTAS NILA. MARYOSEP! TIGNAN NYO PICTURE NI ANGELICA LAWLAW AT KUNG SAAN SAAN NAPUPUNTA SUSO NYA BWAHAHAHAHAHAHAHA

  2. agree ako sa mga nag-comment dito. malaki nga ang bayad sa tv5 pero babagsak naman ang career nila dahil wala namang nanonood sa tv5. yung Glamorosa nila kauumpisa lang hayun at magtatapos na raw. ano ba yan???? yung kay Nora, parang walang nangyari. ngayon wala ng balita kay aunor, ano ba yan!!!! mga teleserye nila ang bilis matapos. ano ba yan???? mga artista, puro laos, mga starlet di kilala, ano ba yan???? si sharon lumipat, eh bagsak naman ang career niyan kahit nuong nasa dos pa siya. pasalamat na lang sila sa tv5 at kunuha pa siya. pero pustahan tayo di rin magra-rate ang mga shows niyan…

  3. ang advantage ng ABS-CBN , mas malawak ang exposure ng mga artista kaya kahit sa ibang bansa maraming kumukuha na producers whereas sa TV5 at GMA7, metro manila lng at di pa sila makilala sa mga probinsya. paramihan pa ng endorsement ang Kapamilya stars.

  4. hay naku goodluck sa mina na yan! as if mag bloom pa career! ma shonda ka na teh! asa ka pa na may star quality ka pa! at sana nga maganda teleserye mo kasi baka pakainin lang ulit yan ng show ng iniwan mong network!

    hmp!

  5. type ko nga mga sagot ni nina jose hahaha! ang taray! cge girl ingatan mo lang ang bagong retokeng ilong ni pauleen baka masira hehe!

  6. kung ako sayo Derek marami ka pa makukuha at magugustuhan …iyan syota mo lawlaw na ang suso…wala pang PWET…paano b yan naging model nang Tanduay b yon?PWE>

  7. Mas pinili ni Mina ang dos dahil tanggap nyang walang viewers abd TV5. Malaki nga offer, wala naman nanonood.. Importante sa isang artista ang exposure. Kahit itanong nyo pa kay Iza..Yun na!

  8. sure ako na after 2 years,lilipat na sa tv5 si villaroel, naman! hindi magrerate ang S.I.S. saturday afternoon show nila ni janice, panandalian lang ang teleseryes, few guestings then bye bye channel 2 welcome tv5! hahahaha!.. kay derek naman, obvious naman sa mga interview nya na tatanggapin nya ang amazing race philippines at milyones na talent fees! maganda nga naman ang amazing race at maraming datung pero ang sa dos, mahahasa ang boring na acting skills nya pero sa tv5, yayaman pa sya ng bonggang bongga! hahahaha.. sa 3rd write up (may comment talaga ako sa lahat ng write ups ng writer na toh hahahaha) Da hu si niña jose??????

Leave a Reply

Your email address will not be published.