Derek Ramsay, gustong makasama ulit si Angelica Panganiban!

SA EKSKLUSIBONG pakikipag-usap ng Pinoy Parazzi kay Derek Ramsay, sinabi nitong willing na siyang makasama sa isang project ang dating kasintahan na si Angelica Pa-nganiban.

“Ever since, hindi naman kami na-ging magkaaway ni Angel. For more than six years ay naging magkaibigan kami at walang dahilan para patulan ang mga intriga,” pahayag ni Derek na nagsabi pa ring walang nag-utos sa kanya para i-tweet si Angelica matapos na ito ay manalong Best Supporting Actress sa nakaraang Famas Awards.

“Dapat noon pa. Matagal nang napatunayan ni Angel na magaling talaga siya at natutuwa ako dahil napansin sa Famas ‘yung talent niya.”

Samantala, wala na ring nakikitang dahilan si Derek sa sandaling magsabay ang landas nila ni John Lloyd Cruz dahil una at higit sa lahat, pare-pareho na raw silang masaya sa kani-kanilang buhay. “Masaya rin naman ako na tulad nila.”

Ayon kay Derek, naipakilala na niya sa kanyang pamilya ang bagong babae na nagpapasaya sa kanya. “Hindi siya showbiz, at iyon naman ang gusto ko talaga.”

Ayaw ipa-reveal sa amin ni Derek ang pangalan ng babaeng bagong pag-ibig niya. Pero nang i-sign ko sa kanya ang first latter ng babae, tumawa siya dahil alam namin kung sino ang babaeng kapalit ni Angelica sa kanyang puso. “Hahaha! Huwag na, basta masaya ako.”

Hanggang balikat ang buhok, kayumanggi, laging naka short at may masayahing mukha ang bagong pag-ibig ni Derek na itago na lang natin sa letter na A as in… Alex? Hahaha!

Anyway, wala ring nakikitang masama si Derek kung magkakasama sila ni John Loyd sa isang pelikula with Angelica. “Ok lang. Ang importante, magkakaibigan kami.”

 

MARAMI ANG nagdududa kung kaya raw bang punuin ni Ate Gay ang Araneta, kung saan ay pinagha-handaan na nito ang nalalapit niyang first concert na produced ni Joed Serrano.

Ayon kay Joed,nakita raw niya kay Mama Gay ang mga katangian noon ni Vice Ganda nang una niya itong alukin na mag-concert sa Araneta.

“Feeling ko, kaya ni Ate Gay dahil magaling naman siya bukod pa sa narinig ko rin sa kanya ‘yung eksaktong lines ni Vice nang sabihin ko sa kanya na balak ko siyang ipag-produce ng concert. ‘Bakit ako?’ ‘Yun ang sabi niya sa akin. Kaya pakiramdam ko, magki-click din si Ate Gay na tulad ni Vice Ganda.”

Aminado naman ang dating aktor na si Joed na 17 years na silang na-ging mag-on ng isang kilalang aktor na naging member din ng That’s Entertainment.

“Wala naman akong nakikitang masama kung ganu’n ang isang tao. Ang mahalaga ay kung anong klaseng tao ka at wala kang inaapakang iba.” Sabi pa ni Joed na ayaw umamin kung sinu-sino ang naging ka-one night stand niya.

Basta isa lang daw ang tiyak. May isang taga-showbiz daw na never na-issue tungkol sa kanyang gender, pero sa totoong buhay ay girl na girl. Initial?

Naku itanong n’yo na lang kay Ate Gay. Tsuk!

 

NATATANDAAN N’YO ba si Aimee Torres? Ito ‘yung dating actress na nasabak sa mara-ming sexy film, pero hindi naman nagpakita ng katawan na siyang dahilan kung bakit mas piniling kumanta na lang kesa maghubo’t hubad.

Si Aimee Torres ang kumanta ng ‘Pusong Bato’ na sikat na sikat ngayon. “Alam mo, Tito Morly, wala naman akong balak magdemanda, kasi siya rin naman ang composer ng ‘Pusong Bato’. Kaya lang, naloka ako nu’ng marinig ko, kasi ako nga ang original na kumanta nu’n,” pahayag ni Aimee nang makausap namin sa DZRH.

Ayon kay Aimee, hindi naman daw siya galit kung may ibang tao ang kumanta ng kanyang ‘Pusong Bato’. Ang importante raw, nagustuhan ito ng mga tao. “Actually, Tito Morly, may susunod na akong single at by next month ay sisimulan na siguro namin.”

Sa ngayon, walang mahihiling si Aimee sa kanyang career dahil may kahati man siya sa ‘Pusong Bato’, still nagustuhan ito ng mga tao.

“Abangan nila ang pagbabalik ko, dahil talagang magugustuhan nila ang mga kakantahin ko,” sabi pa ng aming kapitbahay sa Kasipagan, Tondo, Manila.

“Opo talagang taga-Tondo ako at proud ako bilang  Tondo girl”  Pagwawakas ni  Aimee Torres.

 

More Luck
by Morly Alinio

loading...

11 thoughts on “Derek Ramsay, gustong makasama ulit si Angelica Panganiban!

    • Si John Lloyd ba? Ang jologs…. Sobrang bitter pa rin ni angel. Ang sabihin mo mas yummy si derek at walang binatbat si JL. 

  1. KAPAL TALAGA NG APOG NG LALAKING TO TARANTADO KA TIGILAN MO NA PAGGAMIT MO KE ANGEL BARURUTIN MO NA ALNG SI MVP AT YUNG PERA NYA GAGO! TUTAL NAMAN KWARTA LANG NAMAN KATAPAT MONG ANIMAL KA! MANGANGALIWA KA PA HAYOP KA! MAGPAKALALAKI KA GAGO! WAG MO IDENY NA ME ANAK KANA GAGO! KAKAHIYA KA MASAHOL KA PA SA BAKLA! PARA LANG MAGKAKARIR AT KWARTA DINENY ASAWA AT ANAK KAPAL APOG MO ULOL!

  2. bakit ayaw pa sabihin ng derecho na si Alexa Amos ang gf mo derek. un ung isinabay mo kay Angel.  kaya di ka makapiyok kasi alam mo na ikaw nangaliwa.

  3. Pa sweet eh nag check in nga si DEREK AT NG BAGO niyang babae sa Furama hotel sa singapore isang king size bed lng ang kama nila…Chaka ng girl siko lang ni angel…..

Leave a Reply

Your email address will not be published.