Derek Ramsay, ginagamit ni Jinkee Pacquiao para pagselosin si Manny?!

NAGKAROON KAMI NG pagkakataong makabisita sa set ng Habang May Buhay sa Greenfields Estates sa may Laguna. Napakaaliwalas at napakalamig dahil nasa kabundukan na ang kanilang location. Si Derek Ramsay ang pakay namin doon dahil gusto namin itong sumagot sa ilang mga katanungan namin tungkol sa kanilang naging love scene ni Gladys Reyes.

Bago pa man namin makausap si Derek, si Direk Wenn de Ramas na muna ang aming nakabalitaan. Kinumpirma nito na ire-retake daw pala ang love scene nina Gladys at Derek dahil may ilang mga tsismis sa kinunang eksena noon. Todo na nga raw sila ngayon sa paghahabol na makunan ang mga eksena dahil malapit na rin silang umere sa February 1.

Pagdating ni Derek sa set, tinanong na agad namin siya tungkol dito. Kailangan daw ulitin ang maselang eksenang iyon dahil may mali nga raw na shots. Excited na si Derek sa eksenang iyon, pero natawa lang siya nang ikuwento namin sa kanya ang naging reaksiyon ni Christopher Roxas, asawa ni Gladys. Sa interview ng SNN kay Christopher, sinabi nito na ‘wag na raw umuwi ng bahay si Gladys kung gagawin daw niya ang eksena. Natawa lang si Derek at sinabing, “I’m sure nagbibiro lang ‘yang si Christopher. Trabaho naman ‘yun and wala naman ‘yung ibig sabihin,” natatawang pagsagot ng aktor.

Tinawanan lang din niya ang tsismis na nag-date daw sila ni Jinkee Pacquaio. “Hindi, I was invited sa GenSan para sa opening ng isang mall. Kaibigan kasi ‘ata nina Jinkee ‘yung may-ari so they were there. ‘Andu’n din si Bernard (Cloma, kaibigan ng pamilya Pacquaio). They just toured me around GenSan, tapos she asked me, “You want to see the mansion?” siyempre I said yes. Nakita ko nga ‘yung pool na naka-korteng boxing gloves. Nakita ko rin ‘yung parang wall niya sa house na ‘andu’n ‘yung litrato ng mga natalo niya,” salaysay ni Derek. Na-inspire pa nga raw siya sa nakita niyang wall of fame ni Manny na parang siya rin ay gusto niyang magkaroon ng gano’n sa bahay.

Sinundan tuloy namin ng tanong si Derek, ‘di naman kaya ginagamit siya ni Jinkee para pagselosin si Manny? “Hindi naman. I don’t think Jinkee is that kind of a person.” Kumalat na rin ang balitang Team Pacquaio na nga raw si Derek at makakasama na ito sa mga laban ng People’s Champ. “Naku, I wish, ‘noh! Sana makasama nga ako sa magiging laban niya kay Clottey. Pero wala, bali-balita lang ‘yun pero pinadalhan ako ni Manny ng shirt at saka ng jacket na itinago ko na,” sagot ni Derek.

Pinabaunan pala ni Jinkee si Derek ng Nike na sapatos na especially designed, made and styled para kay Manny Pacquiao. Tuwang-tuwa raw si Derek at ngayon nga ay hindi niya ito ginagamit at nakatabi lang sa bahay. Itinuturing daw niya itong isang collector’s item!

loading...

One thought on “Derek Ramsay, ginagamit ni Jinkee Pacquiao para pagselosin si Manny?!

Leave a Reply

Your email address will not be published.