Derek Ramsay, dinadahan-dahan daw si Alexa Amos

AYAN HA? May pa-ngalan na ang ‘mystery girl’ ni Papa Derek Ramsay, siya ay si Alexa Amos na isa ring Frisbee player. Kaso, wala pa itong mukha, wala kaming mahagilap na picture nito sa internet dahil wala raw Twitter at Facebook itong si Alexa.

Sino ba si Alexa sa buhay niya? Sagot niya, “She’s my friend, we’re very good friends. We play Frisbee together, she’s part of the Frisbee community and very close to my family.”

Dagdag pa naming tanong, siya raw ‘yung special someone sa buhay niya ngayon? Sagot niya, “Sino namang nagparating sa inyo niyan?”

Dagdag pa niya, “She’s very, she’s a lovely girl you know, she’s a very into sport, very into the outdoor, loves life, she’s very spontaneous just like me and she’s beautiful, she’s pretty so, hanggang du’n lang muna.

“Alexa is definitely special, like I said she’s a lovely girl, so let’s see where it goes. We’re taking it slow coz we both just got out of relationships.

“She’s in her twenties, so that’s why we’re really taking it slow, we don’t know where were this going, we’re not like you know lockdown and all that we’re just, ano, taking it slow.”

Sa huli, ayaw mang kumpirmahin kung si Alexa na nga ba ang special non showbiz girl sa buhay niya, puring-puri naman niya ito.

 

NAKAKALOKA, HA? Nakatanggap kami ng mensahe mula kay Atty. Ferdinand Topacio, ang controversial lawyer friend now kaaway (na bang matatawag ‘yun) ni Bea Binene last Wednesday night.

Say sa text, “Good evening. FYI po, I will be filing a P5.7 Million peso damage suit vs. Miss Bea Binene, her mother Carina, and certain executives of GMA Channel 7 tomorrow, 25th October, after lunch, at the Tanauan Trial Court in Batangas province. Thanks po!”

Oh, ayan ha? Kumpletong text. Kahapon nangyari ang pagsampa, and as of presstime, hindi pa namin masabi kong sinu-sino ‘yung iba pang pangalang sinampahan ni Atty. Topacio.

Naku, parang ang layo na ng narating ng isyu sa kanila. Abangan na lang natin ang susunod na kabanata!!!

 

HAPPY NA nga sa usapin ng lovelife, happy pa sa success ng kanyang mga negosyo. Ito ang napapansin naming sa aura ni Karylle noong Martes, October 23, sa opening ng kanyang pinakabagong branch ng family KTV sa may Bayside ng Mall Of Asia. Ito na ang pinakamalaking branch ng nasabing negosyo niya dahil 1000 square meters ang lugar at ang bongga pa ng mga kuwarto nito.

High tech ang mga kagamitan sa loob at meron pa itong lugar na tinatawag na sala na puwedeng pang-birthday celebrations dahil kumpleto na ito sa mga kagamitan at may widescreen pa sa loob.

Ani Karylle, “Masuwerte lang ako na may mga business partners akong magaling kaya lumalago ang negosyo namin.”

Dumating sa opening ang ina niyang si Zsa Zsa Padilla na halatang fresh na fresh dahil sa matagumpay na operasyon.

Congrats, K.!!!
Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.