Derek Ramsay, ‘di naniniwalang may relasyon sina Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz!

MARTES NG mga alas-singko ng umaga, June 5, lumapag ang PAL PR105 galing San Francisco, California sa NAIA 2 Centennial Terminal lulan ang buong tropa ng TV5 artists galing sa successful Kapatid TV5 International launch sa America.

At isa nga sa mga dumating ay si Derek Ramsay na mainit na inaaba-ngan ng media sa labas ng passenger lounge ng airport.

Pagod man mula sa mahabang biyahe ay masaya pa ring nakipagkuwentuhan si Derek sa media. Sa Paparazzi Showbiz Exposed ng TV5, inilabas ang kabuuang interview kay Derek, kung saan isa-isa niyang nilinaw ang mga intriga tungkol sa kanyang ex girlfriend na si Angelica Panganiban.

Una na nga rito ay ang tungkol sa diumano’y ‘kissing video’ nina John Lloyd Cruz at Angelica na nakunan daw. Pero ayon pa kay Derek, hindi siya naniniwalang may ganitong video sina Lloydie at Angel.

Aniya, “Well, maybe there is, ‘yung pelikula nila, baka kinunan ang eksena na naghahalikan sila, baka ‘yun ‘yon. Pero I haven’t seen any videos, ang alam ko lang, they became good friends in Vietnam.”

Sunod na nilinaw ni Derek ang lumabas ding isyu na diumano ay may mga nakakakita raw kay John Lloyd na nagbabad sa condo ni Angelica. Pagsalungat ni Derek sa isyu, “Alam n’yo guys kung totoo ‘yan, ang daming picture n’yan, si John Lloyd Cruz is John Lloyd Cruz, he is the most popular actor in the country, if he walks around Eastwood, there’d be a lot of people showing pictures of John Lloyd, so I don’t think that is true. I’ll clarify, I know it’s not true.”

Pangatlong nilinaw ni Derek sa Paparazzi ay ang pagkakasangkot daw ni Angel sa hiwalayang John Prats at Bianca Manalo.

Depensang patanong ni Derek, “They broke up because of Angelica? John Prats and Angelica are best friends, so that’s it. Magkababata ‘yung dalawa na ‘yan. Magkakilala na ‘yan, so nakakatawa naman kung sabihin na naghiwalay si John at si Bianca dahil may “something” sila ni Angel. That’s not true!”

Nilinaw rin ng Paparazzi ang tungkol sa pagli-live in daw nila noon ni Angel. Pero, ipinagdiinan ni Derek na ‘private matter’ sa kanila ni Angel kung anuman ang namagitan sa kanila noon sa loob ng anim na taon nilang relasyon.

Paliwanag niya, “Guys that’s my private matter, Angel and I spent great 6 years together. ‘Wag na nating anuhin ‘to, na madagdagan pa ang mga issues namin. Yeah, we decided to stop the relationship for now, and I wanna keep it private and peaceful, we’ve said our piece, to be fair to those who love and support us.

“Pero sana naman, respetuhin natin si Angel. People fall in and out of love every day, it is not a crime, it is just a fact of life and the thing is you just have to respect and move on, you know, and that is what we are doing, moving on.”

 

ISA SA pinaka-iniidolong aktor noon si Rustom Padilla. Marami ang kinikilig sa kanya sa mga pelikulang kinatatampukan niya, lalo na sa mga action films kung saan kilala ang Padilla brothers. Pero, Rustom is ‘dead’ ‘ika nga and BB Gandanghari is out to fulfill her dreams of becoming a newborn drama star.

Sa taping ng Untold Stories Mula sa Face To Face ay naabutan namin si BB na nagri-rehearse ng kanyang mga linya sa episode na, ‘Sa Pagitan ng Dalawang Langit’ kung saan tampok ang istorya ni Donna, isang beki na minahal nang tapat ng dalawang lalaki.

Kuwento ni BB sa amin, “Naninibago nu’ng una, pero enjoy naman, kasi enjoy ako kay Direk Argel (Joseph). Anak-anakan ako n’yan. Part ito ng Face to Face, na napanood nila, na istorya ni Donna, na na-in love at na-in love din naman sa kanya ang dalawang lalaki na na-involve sa kanya.

“So maganda ‘yung istorya, kasi for a change na makikita nu’ng tao na hindi lang naman lahat, pera ang involve ‘pag may kinalaman sa relasyon between beki and lalaki, maganda na parang, maski ako, parang na-inspire habang ginagawa ko. Kasi, ‘Uy meron palang ganyan, may love involve’. Siyempre ‘yun din ang hope ng kahit na sino, na katulad ko, na magkaroon ng totoong relasyon, na kasi, ‘pag sinabi, pag-isip ng iba, ‘pag beki, parang imposibleng magmahal, o mahalin, ‘di ba? ‘Yun ang pinakaimportanteng bagay sa mundo, ‘yung mahalin, magmahal ka at mahalin pabalik.”

Mapapanood ang istoryang ito sa Sabado, June 16 sa ganap na 10:30 ng umaga sa TV5.

 
Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.