Derek Ramsay denies having cancer!

HINDI APEKTADO PERO kahit paano ay masama ang loob ni Derek Ramsay sa mga nagkakalat ng balitang may cancer siya. Feeling kasi ng binata ay apektado ang kanyang pamilya at mga kaibigan.

“Hindi kasi maiwasang mag-alala sila sa akin, na hindi naman dapat,” pahayag ni Derek matapos na lu-mabas ang isyung may sakit itong cancer.

Ayon kay Derek, hindi totoong may cancer siya. May problema siya sa tuhod pero hindi raw iyon cancerous at lalong walang kinalaman naman ang pagkagat sa kanya ng jellyfish.

“Nalulungkot lang ako, kasi may mga ganitong balitang naglalabasan na hindi naman talaga totoo.”

Ilang araw rin si Derek sa Europe, at ayon sa aktor, kinailangan niyang magpunta sa Europe dahil sa ilang personal na bagay na dapat gawin at hindi dahil sa isyung du’n siya magpapagamot.

“Walang ganu’n, hindi totoo ‘yan,” pagwawakas ng binata sa Pinoy Parazzi.

 

MAS MAGIGING MAINGAT ang programang Wil Time, Big Time (Dating Willing Willie) sa pagkuha ng guest. Isang malaking moral lesson daw ang natutunan nila sa pagi-guest noon ni Jan-jan na siyang dahilan kung bakit biglang nawala sa ere ang Willing Willie.

Noong Sabado, muling umere ang programa ni Willie, kung saan ay nag-introduce sila ng ilang bagong segment at ito ay ang ‘Pick-up Stick’ at ‘Step no, Step Yes’.

“Mas madaling manalo rito sa mga bagong segment at mas malaki ang premyo,” sabi ni Rocky na EP ng Wil Time, Big Time.

Samantala, mariing itinanggi naman ni Ana Feliciano na nagtanggal sila ng dancer sa bagong programa. “Nag-reformat ang show, at kung mapapansin mo, medyo wala ‘yung dating dancer. Totoo iyon, pero hindi sila tinanggal. Sila mismo ang nag-desisyon na magpahinga dahil mag-aaral sila.”

Yes ang mga dancer na nawala raw sa programang Wil Time, Big Time ay hindi tinanggal. “Nag-aaral sila at paaral silang lahat ni Kuya (Willie). Ganyan si Kuya, ‘pag tumulong iyan, sobra talaga.”

Sa kabilang banda, medyo mahigpit na ang pamunuan ng Singko sa pagbabantay sa mga gustong sumali at makapasok sa Wil Time, Big Time dahil iniiwasan nilang muling mangyari ang mga trahedyang naganap noon, kung saan isang fan ang nasagasaan dahil sa pagpila para makapasok sa nasabing programa.

 

SOBRANG SAYA AT napakaraming bisita ang dumating sa birthday party ni Mommy Dionesia na ginawa sa bagong gym ni Manny Pacquiao.

“Dami ko talaga in-invite sa birthday ko, kasi 62 years old na ako ngayon,” ayon kay Mommy D, na nagsabi pa rin sa Pinoy Parazzi na sobrang saya niya dahil natupad ang isa sa pangarap niya, ang magkaroon ng mamahaling bag. “Sobrang saya ko, kasi niregaluhan ako ng Ermis (Hermes) bag… ang mahal nito, masaya ako talaga,” sunud-sunod pang sabi ni Mommy Dionesia.

Samantala, si Jinkee Pacquiao pala ang namili ng bag ni Mommy Dionesia. “Kulay orange na Hermes ang regalo namin ni Manny sa kanya,” sabi ni Jinkee na wala rin daw siyang nakikitang masama kung bigyan ng isang pabolosang birthday party ni Manny ang kanyang ina.

Sa kabilang banda, sobrang saya ni Jinkee dahil natapos na ang kanyang kalbaryo pagdating sa babae. Kasi sa dalawang magkasunod na laban ni Manny, walang lumutang na bagong girl na ‘apple of the eye’ nito.

“Siyempre happy ako dahil wala nang mga ganu’n-ganun,”  tumatawang sabi pa sa amin ni Jinkee. “Kung kelan masusundan ‘yung mga anak namin? Naku, tama na muna ‘yung tatlo, huwag muna,” sundot pa uli ni Jinkee.

More Luck
by Morly Alinio

loading...

6 thoughts on “Derek Ramsay denies having cancer!

  1. C Derek Ramsay ang luwang ng bunganga at mukhang gurang na. Lumalamon din ba ng burat c Derek kc sobrang busarga ng bunganga nya eh. Tsaka pansin ko lng masyadong publicity hungry yang mag live in partner na Derek & Angel khit pagtae at pag-ipot yata ok lng na maging issue sa kanila para lng mapag-usapan cla. Cheap!

Leave a Reply

Your email address will not be published.